MAY bagong milestone sa karera ng basketball ang Los Angeles Lakers star na si LeBron James!
Siya na kasi ang tinaguriang “Scoring King” matapos mag-number one sa listahan ng “NBA’s all-time scoring” list ngayong taon.
Ayon sa tweet ng NBA, naabot ni James ang 38,388 career points.
Nakuha niya ‘yan matapos makalaban ang Oklahoma City Thunder sa Crypto.com Arena noong Miyerkules, February 8 (oras sa Pilipinas).
Dahil sa laro, nagawa niya ang 38 points, seven rebounds, three assists, at three steals.
38 PTS
7 REB
3 AST
3 STL
4 3PMLeBron James becomes the NBA’s all-time leading scorer. #ScoringKing pic.twitter.com/8w0Wb4JWxT
— NBA (@NBA) February 8, 2023
Naungusan niya ang dating Lakers player na si Kareem Abdul-Jabbar na may hawak ng nasabing titulo sa loob ng apat na dekada.
Nanonood mismo sa arena si Kareem nang mabasag ni James ang nasabing milestone.
Napatayo pa mismo sa upuan si Kareem at pinalakpakan si James.
Umabot sa kabuuang 1,410 matches ang nilaro ni James sa basketball upang ma-achieve ang titulong “Scoring King.”
At tumagal ‘yan ng dalawang dekada, ayon sa professional basketball player.
Sa isang talumpati ay lubos na nagpasalamat si James sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.
“Everybody that’s ever been a part of this run with me the last 20-plus years, I just want to say I thank you so much, because I wouldn’t be me without y’all,” sey ni James.
Related chika:
Regine naloka, inireklamo ang score sa videoke: Kinanta ko yung song ko tapos ito lang, eh!