Herlene Budol magiging Kapuso na nga ba? | Bandera

Herlene Budol magiging Kapuso na nga ba?

Therese Arceo |September 03,2022
facebook
share this

Herlene Budol magiging Kapuso na nga ba?

Therese Arceo - September 03, 2022 - 03:32 PM

Herlene Budol magiging Kapuso na nga ba?
MUKHANG maganda ang nagiging takbo ng karera ng vlogger, comedienne, at beauty queen na si Herlene Budol ngayong taon.

Tuloy tuloy kasi ang blessings at sunud-sunod nitong natutupad ang kanyang pangarap gaya ng pagkakaroon ng sariling bahay, pagtatapos sa kolehiyo, at ang pagiging beauty queen.

Bagamat may lungkot pa rin sa puso kay Herlene dahil hindi na inabot ng kanyang Lola Biring na siyang nagpalaki sa kanya ang mga achievements niya, naniniwala siya masaya pa rin ang lola niya sa bawat achievement na nakakamtan nito.

At mukha ngang may bagong blessing na naman ang paparating sa dalaga dahil mukhang magiging parte na siya ng mga Kapuso artists.

Makikita kasing kasama ni Herlene ang Senior Vice President ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes kasama ang kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino at ang Sparkle executive na si Joy Marcelo.

“And…that’s a wrap!” caption ni Atty. Annette na may hashtags pang ! “#tgif”, “#endoftheweek”, “#itstheweekend”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Annette Gozon Valdes (@annettegozonvaldes)

Bagamat wala pa namang nagiging pirmahan ng kontrata sa pagitan ni Herlene at ng GMA-7 ay maraming mga chika na may proyekto nang nakaabang para sa Binibining Pilipinas 1st runner-up at pina-finalize na raw ito.

May post rin ang kanyang talent manager sa Facebook kung saan sinisiguro niya ang mga tagasuporta ng alaga na maraming silang dapat abangan na proyekto ng dalaga.

“Abangan ninyo ang mga malalaking projects ni Herlene Hipon. From teleseryes, movies, tv shows at music!” saad ni Wilbert.

Pagpapatuloy niya, “At maraming sa toda suporta nila kay Herlene Nicole Budol sa kanyang pageant journey!

“Because we know for herself that she is uniquely Kapuso with projects.”

Talaga rin namang hindi magpapatalo ang ganda ng dalaga dahil viral ang kanyang mga larawan sa social media nang magbakasyon siya sa Coron, Palawan.

Isa na rito ang larawan na posted sa kanyang Instagram account na may caption na “Hipon na takot sumisid”.

Sobrang sexy at ganda ni Herlene habang suot-suot ang black and white nitong two-piece swim suit.

Anyway paniguradong excited na ang kanyang mga tagasuporta sa mga susunod pa niyang ganap at maging sa kanyang international beauty pageant na sasalihan, ang Miss Planet International.

Related Chika:
Herlene Budol hindi agad naintindihan ang tanong sa Bb. Pilipinas: Akala ko po talaga transportasyon ‘yun

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Herlene Budol rumampa sa Senado, pinahanga sina Robin Padila, Bato dela Rosa, Raffy Tulfo at Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending