DA nagtakda ng P125 kada kilo na SRP sa imported na pulang sibuyas

DA nagtakda ng P125 kada kilo na SRP sa imported na pulang sibuyas

INILABAS na ng Department of Agriculture (DA) ang itinakdang suggested retail price (SRP) para sa imported na pulang sibuyas.

Itinakda itong P125 kada kilo sa Metro Manila.

Sinabi ng DA na ang SRP ay epektibo na agad at mananatiling may bisa sa loob ng dalawang buwan mula sa pag-apruba, maliban na lamang kung ito ay binago, binawi o tinanggal.

Ayon sa ahensya, ipinatupad nila ito upang makatulong sa mga kababayan na epekto ng inflation o tumataas na presyo ng mga bilihin.

“In order not to aggravate the current difficulties of the Filipino people affected by the pandemic and rising fuel prices, there is a need to guide the consuming public on the reasonable prices of basic necessities in the market,” sey ng DA.

Base sa price monitoring ng ahensya, umaabot ang presyo ng imported red onions mula P180/kilo hanggang P260/kilo sa maraming pamilihan sa Metro Manila.

Tiniyak ng DA na mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng SRP ngayon, hindi gaya noong huli na tila marami ang hindi sumunod.

Magiging mahigpit na raw sila at bibigyan ng penalty ang mga lalabag dito.

Ayon pa kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista na nakikipagtulungan na rin ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para bantayan ang mga presyo sa palengke.

Bukod diyan ay nakausap na rin niya ang mga importers, traders at retailers tungkol dito.

“We will be talking also with our regional field offices if we’re going to apply the same approach. We need to coordinate with the local price coordinating councils,” saad ni Evangelista.

Read more...