Dapat igalang ng lalaki ang babae

ANG hilig pa nitong si Gerardo Juntilla kahit siya’y amoy lupa na.

Si Juntilla, 83 anyos, ay hinuli ng pulis dahil hinipuan niya ang isang 10-anyo na batang babae.
Tumatayo pa kaya ang “manoy” ni Juntilla?

Naalala ko tuloy ang isang joke tungkol sa 70- anyos na lalaking inakusahan ng rape.

Sa korte, pinababa ng abogado ni lolo ang kanyang salawal, hinawakan ang kanyang ari, at sinabi sa judge, “Your Honor, paano pa kaya titigas ang ari ng aking kliyente samantalang siya’y matanda na?”

Yumuko si lolo sa kanyang kinatatayuang witness stand at ibinulong kay Atorni:

“Atorni, huwag ninyong pakahawakan ng matagal yan at baka tayo matalo sa kaso.”

Isa pang joke ang tungkol naman sa isang Intsik na nahuli ng pulis na naglalaro sa kanyang sarili habang binobosohan ang isang dalagang naliligo.

Tinutukan ng pulis ang Intsik at inutos na ipagpatuloy nito na laruin ang kanyang sarili.

“Pag sinabi kong tigil, tumigil ka sa pag****** mo,” sabi ng pulis sa Intsik.

Tumitigil naman ang Tsekwa sa kanyang paglalaro sa kanyang ari tuwing inuutusan siya ng pulis.

Pero nang siya’y nasa tugatog na ng kaligayahan, pinatigil siya ng pulis at sinabing babarilin ito kapag hindi niya sinunod ang utos.

“Paktayin mo na lang ako, hini na ako tigil,” sigaw ng Intsik.

Nakakapanlumo ang resulta ng isang survey tungkol sa relasyon ng mag-asawa.

Lumabas sa survey na marami ang naniniwala na normal na saktan ng esposo ang kanyang esposa kapag sila’y nag-aaway.

Anong klaseng mga tao naman ang sumagot sa nasabing survey? Baka sila’y mga taong walang pinag-aralan o kaya’y kulang sa pag-aaral.

Ang babae ay hindi sinasaktan, siya’y minamahal, sabi pa nga ng mga tunay na lalaki na mga ander de saya.

Okay lang sigurong saktan ng babae ang kanyang esposo lalo na’t nahuli itong nambababae.

Lumaki ang inyong lingkod sa isang tahanan na meron ngang matinding away ang aking mga magulang paminsan-minsan, pero hindi ko nakita ang aking ama na sinaktan ang aking ina.

Bagkus, ang aking ina pa ang nananakit sa tatay ko dahil sa matin-ding selos.

Ang daddy ko kasi ay lady’s man at palaging nahuhuli ng mommy ko.

Sinabi ng aking ama na nakita niya na sinasaktan ng kanyang tatay ang kanyang nanay tuwing nag-aaway ang mga ito.

Pero kulang naman kasi sa pag-aaral ang aking lolo sa tatay.

Ang tatay ko naman kasi ay may pinag-aralan.

Sinasabing kung ano ang nakikita ng mga bata sa kanilang mga magulang ay gagayahin nila.

Bakit naman hindi ginaya ng aking ama ang ginawa ng lolo sa aking lola?

Kapag ang inyong lingkod ay tumatayong ninong sa kasal at hinihingi ang aking payo sa harap ng mga dumalo ng kasalan, isa lang ang pinapayo ko sa lalaki:
Huwag mong saktan ang iyong asawa kahit na matindi ang inyong away.

Sinasabi ko na kahit na lasing na lasing ako kung dumating ng bahay at nagbubunganga ang aking partner, hindi ko ito pinagbubuhatan ng kamay.

Wala na tayo sa Pre-Historic Age at nasa Modern Age na tayo.

Dapat igalang ng mga kalalakihan ang mga babae.

Read more...