Anak ni Rachel Peters nasangkot sa freak accident: ‘Kaia got a pretty nasty burn on her hand’

Anak ni Rachel Peters nasangkot sa freak accident: 'Kaia got a pretty nasty burn on her hand'

Rachel Peters, Migz Villafuerte at Kaia

BUMILIB si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters sa katapangan ng kanyang anak matapos masuong sa isang freak accident.

Ibinahagi ng beauty queen at celebrity mom sa kanyang social media followers ang nangyari kay Kaia habang nagbabakasyon sila sa Japan.

Kuwento ni Rachel sa kanyang Instagram post kalakip ang mga cute na cute na litrato ng anak, “Kaia got a pretty nasty burn on her hand from pulling hot tea off a table.”

Pagpapatuloy pa niya, “A freak accident and a big learning experience for us all.


“Such a horrible start to a trip but we’re so thankful for all the nurse and doctors in Japan who were so sweet to her everyday,” pagbabahagi ni Rachel.

Sa kabila ng nangyari, super proud naman daw ang dating beauty queen dahil sa ipinakitang tapang ni Kaia na kahit may iniindang sakit ay nagawa pa rin nitong magpaka-cool at hindi nagloko.

“Straight to the hospital after a full on day of traveling! She had to fast before her procedure and woke up from it all at 3am smiling,” ang sabi pa ni Rachel sa isa niyang IG post.

Nagpasalamat naman ang beauty queen sa lahat ng nag-message sa kanya at nangumusta sa lagay ni Kaia. In-assure naman niya sa madlang pipol na okay na ang kalagayan ng anak.

Last week, ibinandera naman ni Rachel sa publiko na buntis na uli siya sa second baby nila ng kanyang husband na si Migz Villafuerte.

Rachel Peters walang pagsisisi na mas piniling bumuo ng sariling pamilya kesa sa career

Kylie Padilla hinangaan sa pag-aasikaso ng anak kahit nasa gitna ng trabaho

Paul Soriano ibinandera ang katapangan ng asawa: ‘Toni is probably the most powerful celebrity today!’

Read more...