Juday nagka-trauma sa matinding snow, pero handa nang harapin ang kinatatakutan sa gagawing horror movie
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Rahyan Carlos, Judy Ann Santos at Sam Milby
SINAGOT na ni Lord ang isa sa matagal nang ipinagdarasal ng Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.
Makalipas ang halos tatlong taon, muling nakaharap face-to-face ng ilang miyembro ng entertainment media si Juday para sa bago niyang pelikula, ang horror-drama na “The Diary of Mrs. Winters.”
Ito rin ang magsisilbing reunion project nila ni Sam Milby after 10 years. Huli silang napanood together sa ABS-CBN series na “Huwag Ka Lang Mawawala” na umere noong 2013
Kuwento ni Juday, tinanggap niya ang “The Diary of Mrs. Winters” para harapin na finally ang isa sa kanyang greatest fear — ang mabuhay at magtrabaho ng ilang araw sa gitna ng matinding snow.
Kukunan ang karamihan sa highlights ng pelikula nila ni Sam sa Canada kung kailan winter season kaya naman challenge para sa wifey ni Ryan Agoncillo ang mag-shooting habang umuulan ng snow.
Sa nasabing movie, gaganap si Juday bilang isang OFW na nagtatrabaho bilang Bioforensic assistant cleaner.
Kuwento pa ng Kapamilya superstar, malapit sa kanya ang bago niyang proyekto dahil naging OFW din sa Canada ang kanyang inang si Mommy Carol.
Pagbabahagi ng aktres, “More than anything I’ve prayed for a project that would help me face my fears. I will be turning 45 this year and I think it’s the perfect time for me to face my fear of heavy snow.
“May matindi akong trauma sa snow. Siguro para sa iba parang nakababaw ng rason. ‘Ano ba naman ang arte-arte? Sa snow natatakot.’
“Nu’ng bata pa kasi ako, when I was in Toronto with my mom, ang feeling ko talaga wala na akong tenga (dahil sa sobrang lamig). I was 14.
“Since then ayaw ko na maka-experience ng snow, but then again our children gustong-gusto nila maka-experience ng snow.
“Gusto ko ma-surpass ang takot na ‘yon para ma-enjoy namin as family kapag nagka-chance na ng snow with them ma-enjoy namin pareho.
“Ito na ‘yung dasal, sinagot na, hihindian ko pa ba?’ Mayroon mga taong ibinigay ni Lord sa akin to be comfortable working in Canada.
“These people will help me conquer my fear and at the same time make me do my work as an actress na sapat at tama. Para sa akin that’s more than enough reason to enjoy this film even if takot na takot ako,” dire-diretsong kuwento ni Juday.
Samantala, nang ialok sa kanya ang nasabing pelikula ay agad-agad siyang umoo dahil kay Juday kahit hindi pa niya nababasa ang script. Na-excite rin siya dahil first time niyang gagawa ng horror movie.
“I didn’t have to read the script. Juday pa lang ‘yes’ na agad. After reading the script ang ganda ng kuwento, it’s something really different.
“As an actor you want to do new roles and new experiences. So first time ko ‘yung horror so I’m really, really excited. Ang ganda ng kuwento,” sabi ni Sam.
Kuwento ng direktor ng “The Diary of Mrs. Winters” na si Rahyan Carlos, iikot ang kuwento sa main character na si Charity (Juday), na biglang magugulo ang buhay nang matagpuan ang diary ni Mrs. Winters, na bigla na lang nagpakamatay.
“Matagal itong na-ceptualize. I have a very good story about an OFW, bioforensic cleaner in Canada. Ibinato ko kay Ricky Lee ‘yung kuwento nung 2018 and nagawa namin ang script ng mabilisan. Natulog, nag-pandemic until I found a producer.
“This is a story of redemption. Ako kapag gumagawa ako ng horror hindi nananalo ‘yung demonyo. Good always win over evil. It talks about fighting for the people you love most, it talks about overcoming fear,” pagbabahagi ng direktor na nakilala sa mga horror movies na “Shake, Rattle & Roll 8″, Hide And Seek” at “Pamahiin.”