OFW sugatan matapos takasan ang kanyang employer sa Kuwait

Balita featured image

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), kinilala siya bilang si Myla Balbag na nagtatrabaho sa Kuwait.

Base sa report ng POEA, tumalon sa ikatlong palapag na bahay si Balbag upang takasan ang kanyang employer.

Ngunit hindi naman idinetalye ng ahensya kung ano ang mga ginawa ng employer kay Balbag.

“On Jan. 21, 2023, her female employer caught her doing TikTok in her room and became furious,” saad ni Welfare Officer Genevieve Ardiente sa isang pahayag.

Aniya, “They wrestled for the phone and the employer later seized her phone and headset.” 

Samantala, nailibing na sa Golden Haven Memorial Park sa Las Piñas City ang domestic helper na si Jullebee Ranara.

Kung matatandaan noong January 21 ay natagpuang sinunog ang kanyang katawan sa isang disyerto sa Kuwait.

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na inaresto na ng Kuwaiti authorities ang suspek na anak ng employer ni Ranara.

Ayon pa sa ulat ng Arab Times, nakita sa autopsy ni Ranara na siya ay buntis.

Samantala, iginigiit ng Senate Committee on Migrant Workers Chairman na si Sen. Raffy Tulfo na i-pull out na ang mga OFW sa Kuwait at ilipat na lamang sa mas ligtas na bansa, gaya ng Guam.

Itinutulak din niya ang pagpapatupad ng mahigpit na screening process at psychiatric examinations para sa mga employer na nasa high-risk na bansa para sa proteksyon ng mga OFW.

Read more:

Van sumalpok sa bahay; 1 patay, 6 sugatan

Read more...