JOHN PRATS 2 beses pakakasalan si ISABEL OLI, plano nang magkaanak


“I think she’s (Isabel Oli) the one na talaga!” Ito ang sabi ni John Prats nang makausap namin sa presscon ng I Dare You Season 2 kahapon.

Kinumusta kasi namin ang relasyon nila ni Isabel dahil napansin naming tahimik lang ang affair nila, walang isyu na tulad sa past girlfriends ng actor, “Oo nga, tahimik, kasi hindi rin naman siya showbiz masyado.”

At inamin ng isa sa host ng I Dare You na si Isabel na ang huling babae sa buhay niya dahil pinag-iisipan niya kung kailan siya magpo-propose at kung paano.

“Pinag-isipan ko na at kung paano.  Saka ramdam ko na siya na talaga, bukod pa sa pine-pressure ako ng daddy ko, sabi nga niya, ‘O, John ano? Kasi gusto na nilang magkaapo.

Pero sabi ko, ayoko namang mag-anak ng hindi kasal, gusto ko tamang proseso, kasal muna bago anak,” sabi pa ng actor.
Nabanggit ni John na dalawang kasal ang mangyayari sa kanila ni Isabel, isang Christian wedding at isa sa church.

“E, kasi Christian si Isabel, Katoliko naman kami, so dalawang beses kaming ikakasal, pero isang araw lang gagawin para hindi magastos. Pag-uusapan lang kung saan at anong oras.

“Gusto kasi ni Isabel garden wedding. At saka simpleng kasalan lang daw, e, di mas okay, di ba?” kuwento ng actor.
Sa tanong namin kung ano ang nakita niya kay Isabel na hindi niya nakita kina Heart Evangelista, Shaina Magdayao, Rachel Ann Go at Bianca Manalo?

“Sobrang simple, hindi mahilig kumain sa mamahalin, niyaya ko minsan sa The Heat o sa hotel, ayaw, mas type niya sa simple lang. Ayaw din ng mamahaling bags. Koboy pa,” pagmamalaki ng actor.

Marunong daw sa gawaing bahay si Isabel, maliban sa pagluluto, “Kaya nga plano niyang mag-enrol sa culinary para matuto, siyempre, gusto ko rin naming makatikim ng luto niya.”

Samantala, may phobia sa heights si Pratty kaya sobrang kaba at naiiyak siya habang nakasakay sa chopper na ang piloto ay si Jewel Mische bilang challenge sa kanya as host sa I Dare You.

“Kasi doon ko lang naman nakilala si Jewel, doon lang kami nag-usap, tapos heto, ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa kanya? Parang ano ba ‘yun?” pagtatapat ng actor.

Marami pa raw silang challenges na ginawa sa I Dare You kaya abangan daw ito simula sa Sabado, Okt. 12 kapalit ng The Voice of the Philippines. Bukod kay Pratty ay kasama rin sina Deniesse Aguilar, Robi Domingo at Melai Cantiveros.

( Photo credit to Google )

Read more...