ANGELINE QUINTO nagluluksa sa pagkamatay ng tatay

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ni Angeline Quinto sa pagpanaw ng kanyang ama. Matapos ngang ma-confine sa ospital ng ilang araw binawian na nga ng buhay ang tatay ni Angeline na si Pop Quiros dahil sa kidney failure.

Sa interview sa kanya ng The Buzz noong Linggo sinabi ng singer sinabi nitong nagkabati rin ang kanyang ama at ang kanyang biological mother na si Susan Mabao, bago pa ito mamaalam.

“Medyo nagkaroon po ng komplikasyon si Papa, eh. Actually, maraming sakit ng nakita ‘yung doctor pero ang pinaka main cause po ng pagkamatay niya eh ‘yung kidney failure.

Nu’ng nagkita po kami sa ospital hindi na po siya nakakapagsalita eh. Pero nakakapagusap kami senyasan lang,” kuwento ni Angeline.

Ayon sa singer, nu’ng maramdaman niyang nagpapaalam na sa kanya ang ama, “Tinawag ko na po si Nanay Susan kasi simula nu’ng nakilala ko si Nanay Susan hindi pa sila nagkikita ni Papa.

Alam ko rin ‘yung mga sama ng loob ng Papa ko kay Nanay Susan kaya nu’ng nakita ko na ganon, para kahit po papaano ay makapagusap sila,” sey pa ni Angeline.

Pero ang mas masakit pa raw dito,”Hindi na nakadilat si Papa nu’n, eh. So kamay na lang niya ‘yung gumagalaw. Pero alam ko naririnig niya kami ni Nanay Susan.”

Dagdag pa ng dalaga, “Ayoko lang talaga na makita niya na malungkot ako pero sobrang dami po talagang bagay na mami-miss ko sakanya. Siya po kasi ‘yung tumayo talaga na nanay at tatay sa aming lahat.”

( Photo credit to Google )

Read more...