Isko Moreno ‘retired’ na sa politika; may isyu ba sa kanila ni Diego Castro?

Isko Moreno 'retired' na sa politika; may isyu ba sa kanila ni Diego Castro?

Isko Moreno

“RETIRED” na raw sa mundo ng politika si dating Manila Mayor Isko Moreno matapos matalo sa naganap na Presidential elections last May, 2022.

Mukhang wala na ngang balak tumakbo ang actor-politician sa susunod na eleksyon, kahit sa pagkasenador, base sa huli niyang naging pahayag hinggil dito.

Base sa interview ni Ogie Diaz kay Yorme na napapanood sa kanyang YouTube vlog, sinabi nga nitong “retired” na siya sa politics pagkatapos magsilbi sa kanyang mga nasasakupan sa loob ng dalawang dekada.

“As far as I’m concerned, I’m happy now. I’m enjoying my life,” pahayag ni Isko na muli ngang sasabak sa pag-arte sa pamamagitan ng pelikula ni Darryl Yap na “Martyr Or Murderer” kung saan gaganap siya bilang si Ninoy Aquino.

Samantala, sa nasabi ring panayam, inamin ni Yorme na hindi pa rin sila nagkikita o nagkakausap ni Diego Castro kahit matagal nang magkarelasyon ang kani-kanilang mga anak.


Ang anak ni Isko na si Joaquin Domagoso ang dyowa ng anak ni Diego na si Raffa Castro. May anak na rin ang dalawa, ang 9-month-old na si Scott Angelo Domagoso.

Sabi ni Yorme, “Hindi pa (nagkikita). Wala pa yatang opportunity. But anytime.”

Feeling ni Ogie ay nagpapakiramdaman lang sina Isko at Diego kung sino ang unang lalapit at makikipag-usap. Sey naman ni Isko, dapat daw ay sina Joaquin at Raffa ang lumapit sa kanila.

“Oo, kasi ang dapat kasi mag-initiate si Joaquin or si Ella (Raffa). Sila yun, e, with all honesty. Gusto ko yon na, okay, may laya kayo. Just tell us when, where, what.

“Ayokong mangingialam sa ano man ang gusto nilang gawin bilang mag-asawa, kasi yun din naman yung ginawa ko dati. So those are the things that I don’t touch. Unless, asked,” aniya pa.

Sinubukan na ba ni Isko na mag-reach out kina Diego dahil lalaki ang anak niya, “No, no, no, no. Wala pa naman, wala pa naman. But the mother (Angela Lagunzad), nagkita-kita na kami. 2021, I guess, if I’m not mistaken. Nagsama pa kami sa New Year.”

Sa tanong kung may isyu ba sila ni Diego, “Wala at all. As in, like, 100 percent.”

Hugot ni Isko: Opo, lumaki akong busabos, ngunit hindi ako naging bastos!

Xian Lim gusto na ring sumabak sa politika nang dahil kay Isko Moreno

Karen kampi kay Isko: Sana lang wala nang ganitong pang-iinsulto porke kalaban sa 2022!?

Read more...