Gary V ibinandera ang proud ‘lolo moment’, ipinakilala sa publiko ang unang lalaking apo

Gary V ibinandera ang proud ‘lolo moment’, ipinakilala sa publiko ang unang lalaking apo

PHOTO: Instagram/@garyvalenciano

ISANG proud lolo si Mr. Pure Energy Gary Valenciano!

Bilang nagkaroon na siya ng kauna-unahang lalaking apo ay excited niya itong ipinakilala sa publiko.

Siya si Baby Luciano Mikael, ang ikalawang anak ng concerts and events director na si Paolo Valenciano at misis na si Samantha Godinez.

Sa Instagram, ibinandera ng iconic singer ang unang pagkikita ng kanyang apo na si Baby Luc.

Caption pa niya sa post, “Well hello there!”

“His name is really Luch which is short for Luciano. But I think I’ll call him Luc as in Luke [happy face emoji] Your sister Leia awaits at home,” aniya.

Sinabi pa ni Gary V na excited na siyang buhatin si Baby Luc at kwentuhan ng iba’t-ibang storya.

“I can’t wait to carry you and tell you many stories about the greatest force in the universe…the love of God!!! I know this force will be strong in you,” saad ng singer.

Patuloy pa niya, “Pappie is here for you just like I’m here for your sister Leia. I thank the Lord for you. I love you Luc [red heart emoji]”

“I am your grandfather!,” aniya.

Napa-comment naman ang ilang bigating artista at nagpaabot ng masayang pagbati kay Gary V.

Kabilang na riyan sina Donita Rose, Martin Nievera, Lea Salonga, Ogie Alcasid, Geneva Cruz, at marami pang iba.

Noong February 3 ipinanganak si Baby Luc at ibinalita ito kaagad ni Paolo sa isang Instagram video.

Caption pa niya, “My son opening his eyes for the first time.”

Related chika:

Coco Martin todo ang pasasalamat kay Gary V: Kung alam n’yo lang, sobrang mahal na mahal ko kayo!

Read more...