Carla nagsisisi na nagpakasal kay Tom, ayaw ding makatrabaho ang ex-dyowa, pero…

Carla nagsisisi na nagpakasal kay Tom, ayaw ding makatrabaho ang ex-dyowa, pero...

Carla Abellana at Tom Rodriguez

“NAGSISISI ako!” Yan ang sagot ng Kapuso actress na si Carla Abellana nang tanungin kung may regrets ba siya nang magpakasal kay Tom Rodriguez.

Pero bago umamin si Carla ay “no” ang naging sagot niya nang sumalang sa lie-detector test challenge na mapapanood sa vlog ng kapwa niya Kapuso star na si Bea Alonzo.

Sumentro ang mga questions ni Bea sa nawasak na relasyon nina Tom at Carla na matapos ikasal noong October 23, 2021 ay naghiwalay din pagsapit ng January, 2022.

Isa sa mga tanong ni Bea ay kung nakakita ba siya ng red flags sa relasyon nila ng dating asawa na dinedma lang niya.

“Yes (umayon ang lie detector machine). I am honest enough to say I have regrets,” aniya sabay payo na never balewalain ang mga red flags kapag nasa isang relasyon.


“Kailangan iano mo na siya. Hindi mo na puwedeng i-ignore. They’re called red flags for a reason,” chika pa niya.

At sa tanong nga kung pinagsisisihan niya ang pagpapakasal kay Tom, “Lagi kong nire-ready yung sarili ko sa question na yan, na wala pa namang nagtatanong. Tapos di ko pa rin alam kung anong isasagot ko.”

“No” ang unang sagot ni Carla, hindi raw siya nagsisisi na ikinasal pero “lie” ang resulta ng lie-detector machine. Kaya nagpaliwanag siya kay Bea.

“Gusto kong sabihing ‘No,’ kasi kahit paano yun bang kung paano tayo pinalaki sa kultura natin. Dahil Catholic din ako na parang, ‘Hindi, no regrets dapat kasi part yan ng plan ni God.’

“But then, kung honestly, kung si Carla, tanggalin mo lahat yon, yes, talagang magsisisi ako, nagsisisi ako!” ang natawang paliwanag ni Carla.

Dagdag ng aktres, “Kasi, honestly, talagang hindi ko pa alam, ano ba ako? Yes or no?”

Agree naman siya sa sinabi ni Bea na, “The rational self will justify.” Kaya final answer ng aktres ay, “That’s why, yes yung truth ko.”

Nabanggit din ni Carla na mula nang maghiwalay ay hindi pa sila nag-uusap at nagkikita ni Tom, “No, we never spoke.

“Plus, not long after (naghiwalay) din kasi, umalis siya. He’s actually currently in the U.S. since then. Yun na yung last time namin actually nagkita,” aniya pa.

Okay lang din daw sa kanya na makapag-usap sila ni Tom, “Ever, oo naman. But anytime soon, no.”

At sa tanong kung payag siyang makatrabaho uli si Tom, “Ayoko sana, but then honestly, paano pag biglang sinabi, di ba, ng GMA? But personally, ayoko pero…really, I don’t want to work with him.”

Carla nasasaktan pa rin sa paghihiwalay nila ni Tom: Hindi naman to ‘yung tipong nanakawan ka lang ng gamit, di ba?

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Carla nasasaktan pa rin sa paghihiwalay nila ni Tom: Hindi naman to ‘yung tipong nanakawan ka lang ng gamit, di ba?

Read more...