LIBO-LIBONG residente sa Maynila ang napasaya dahil sa sari-saring libreng street foods.
‘Yan ay matapos magasagawa ng charity event ang isang New York-based pop-up store na “So Sarap NYC.”
Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing negosyo ay binubuo ng mga Pinoy na may layuning ibida sa Amerika ang iba’t-ibang iconic street food ng Pilipinas.
Kabilang na nga riyan ang pinoy sorbetes o “dirty ice cream,” isaw, taho, binatog, at marami pang iba.
Nakapanayam ng BANDERA ang isa sa co-owner ng “So Sarap NYC” na si VJ Navarro at nakwento nga niya sa amin na naisipan nila itong buuin upang ipagmalaki ang masasarap na pagkaing Pinoy na kanyang kinalakihan.
At matapos ang halos apat na taon, muling umuwi dito sa ating bansa ang grupo ni VJ hindi lang upang magbakasyon, kundi para maglunsad ng isang charity event.
Nangyari ‘yan sa Sampaloc at napakaraming residente ang nakinabang sa pa-libre nilang pagkain, gaya ng balot, penoy, sorbetes, iskrambol, taho, fishball, buko juice at marami pang iba.
“Thousands of people benefited, but with the help of barangay 402 tanods we managed to control and organize the lines so it won’t be chaotic…The vendors who we hired benefited from us as well,” sey ni VJ sa amin.
Siyempre tinanong din namin kung bakit sa Sampaloc nila naisipang gawin ang charity event.
Kwento naman nila, doon kasi sila lumaki at ang mga street food na ibinebenta doon ang naging inspirasyon nila sa kanilang negosyo.
Sabi ni VJ, “Sampaloc is where my family grew up and all of the street food vendors surrounding us is where I came up with the concept of ‘SoSarap’.”
“I remember when my Lolo would treat us, all of his grandchildren, one cone of sorbetes each. We would just sit outside the house eating ice cream as it melts in between our fingers and enjoy the laugh of everyone,” dagdag niya.
Aniya, “My childhood pretty much inspired me to bring this concept in America.”
Related chika:
Jake Zyrus napiling mag-perform sa NYC Pride March: Medyo kinakabahan kasi…