Jugs Jugueta laging napagkakamalang si Ebe Dancel noon: ‘Buti na lang, nakilala ko si Andie at pinataba niya ako’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Jugs Jugueta at Ebe Dancel
KAALIW ang post ng “It’s Showtime” host na si Jugs Jugueta sa kanyang Instagram account.
Ikinuwento kasi niya na madalas siyang mapagkamalang si Ebe Dancel.
“Noong mas payat pa ako, and mas chubby pa si Ebe, lagi kaming napagkakamalang iisang tao. (Ganu’n din akala ko dati kay Steven Tyler at kay Mick Jagger hahaha!),” say niya sa caption ng photo nila ni Ebe.
“One time sa Guijo, may lasheng na tumabi sa akin, sabi niya ‘IDOL kita!!! Lalo na yung kanta mo sa Panday!’
“Tapos kinantahan pa niya ako, ‘Ipaglalaban ko… at ating pag-ibiiiiig!!!’” dagdag niyang chika.
“Buti na lang, nakilala ko si Andie at pinataba niya ako, para hindi na kami magkamukha ni Ebe,” say niya bilang pasasalamat.
Ikinuwento ni Jugs na matagal na silang magkaibigan sila ni Ebe, “Anyway, naging kaibigan ko si Ebe noong ‘Vince’ pa ang tawag ng mga tao sa kanya. Ganu’n na katagal.
“Noong first album ng @theitchyworms, lagi kami sinasamahan ni Ebe sa mga radio tours and promo gigs namin.
“Lagi din ako sumasabay sa kanya pauwi noon after ng gig kasi wala pa akong kotse, tapos medyo malapit yung bahay niya sa bahay ko.
“May time na lagi kaming tambay sa Countryside sa Katipunan, kasama ni @itchykel at @badingangbato. We were young, single, and penniless… pero masaya kami!” chika niya.
He also revealed one thing, “Hindi alam ng karamihan na kaya #SaWakas ang title ng unang album ng Sugarfree ay ilang butas ng karayom ang dinaanan nila para mailabas yang album na yan.
“They were originally signed with Viva (magkakasama kami noon ng Imago, Rivermaya, Kamikazee, Brownbeat Allstars & Radioactive Sago Project), pero for some reason or the other, the album was shelved.
“Sobrang disappointed naming lahat at that time kasi somehow we all knew that among all our batchmates, Sugarfree had the most potential to crossover to mainstream pop.
“I don’t know how it happened, but the album was picked up by @chris203sy and EMI. And i guess the rest is history.
“I feel so lucky na narinig ko ang ilan sa mga songs sa #SaWakas ng demo / acoustic form pa lang. (Burnout, Mariposa & Insomya).
“Nakakatuwa na after 20 years, mahal na mahal pa rin ng mga tao ang kanilang unang album na muntikan nang hindi lumabas. Happy birthday, #SaWakas! Proud of you, Ebe and Mitch!” pagtatapos ng OPM artist.