Chito ibinuking ang ‘sikreto’ nila ni Neri sa solid na relasyon ng pamilya: ‘Kailangan tulungan…kasi magkakakampi kami’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Neri Miranda at Chito Miranda
NAG-SHARE ng tips ang OPM icon at bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda para sa mga mag-asawa na parehong nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.
Knows n’yo ba kung ano ang isa sa mga sikreto nina Chito at Neri Miranda kung bakit patuloy na tumitibay ang kanilang pagsasama bilang married couple?
In fairness, isa sa mga masasabing #CoupleGoals ang pagsasama ng dalawang celebrities dahil sa solid na solid nilang relationship. At habang tumatagal nga ay mas lalo pa silang nai-in love sa isa’t isa.
Very vocal din sila sa feelings ng isa’t isa dahil proud na proud nilang ipinagsisigawan ito sa buong universe, kahit pa may mangilan-ngilang nababaduyan sa ginagawa nila.
Sa bagong post ni Chito sa kanyang Instagram account, makikita ang ilang picture nilang mag-aama at mapapansin ngang hindi nila kasama si Neri.
Aniya sa caption, “Walking while waiting for Mommy.
“Nag-attend si Neri ng 3 Day Master Class sa Sonya’s Garden to learn more about running a Bed & Breakfast Business.
“Tatlong araw yun, from 8am to 6pm.
“Tapos nagma-Masters pa sya ng Business Administration sa University of Baguio,” pahayag pa ng premyadong singer-songwriter.
Dugtong pang chika ni Chito, “Tibay din eh hahaha…pero sa totoo, isa talaga yun sa pinaka-nagustuhan ko kay Neri mula dati.
“Yung fact na she’s always trying to learn, para lalong mas ma-improve nya pa yung sarili nya, and being humble enough to accept na madami pa syang maaaring matutunan from others,” sabi pa niya.
“Ang daming nagtatanong kung paano nya nagagawa lahat yun at kung saan sya nakakahanap ng oras.
“Well, maliban sa pagiging masipag, disiplinado, at determinado, masasabi ko na malaking bagay ang support ng mga tao sa paligid nya.
“Whenever Neri needs time to do other stuff, me, the kids, and Ninang Mace, try our best to help her out by giving her the time she needs for herself, para magawa nya yung mga gusto at kelangan nyang gawin.
“At kung ako naman ang may gig, or nagsusulat ng kanta, sya naman ang maghahanap ng ways para malibang yung kids para makapag-pahinga ako.
“Kelangan tulungan…kasi magkakakampi kami,” ang kabuuang mensahe ni Chito Miranda.