Best Female TV Host award ni Kim kinuwestiyon, mas deserving daw sina Anne at Tyang Amy; KimXi fans rumesbak

Best Female TV Host award ni Kim kinuwestiyon, mas deserving daw sina Anne at Tyang Amy; KimXi fans rumesbak

Kim Chiu

IPINAGTANGGOL ng mga loyal KimXi fans si Kim Chiu matapos pagsalitaan ng masama ng bashers nang manalong Best Female TV Host sa 35th Star Awards For TV.

Nagwagi ang Kapamilya actress bilang isa sa mga mainstay host ng “It’s Showtime” habang ang  Dabarkads at “Eat Bulaga” host na si Paolo Ballesteros ang Best Male TV Host.

Sa pamamagitan ng Facebook page ng “It’s Showtime”, binati ng management ang aktres sa kanyang pagkapanalo.  “Congratulations, Kim Chiu!” ang caption sa artcard na in-upload ng production.


“Kapag totoong mabait talagang pinagpala. Mula noon hanggang ngayon, Congrats Kimmy!”

“You’re the best Kim. Keep up the good work. Congratulations!”

“Best TV host Kimmy congrats!”

“Congrats Kimmy! You deserve that! Super natural at jolly in hosting. Congratulations!”

May mga netizens naman ang kumuwestiyon sa pagkapanalo ni Kim dahil mas marami pa raw deserving sa kanya na manalong Best Female TV Host, tulad ng mga kasamaha niya sa “Showtime” na sina Anne Curtis, Karylle at Amy Perez.

“Best Female OA host.”

“Ngeks… no hater… pero si Anne or Tyang Amy mas deserve pa.”

“Ha paano siya naging main host doon eh si Vice Ganda ang nagdadala ng show na yun. OMG . That award is for Vice.”

“Best in labas ugat sa leeg sa kasisigaw.”

“What? Seriously? Where is Anne and Karylle?”

“Puro tili at pasigaw naman siya?”

“Best na yarn? Mga non-sense pinagsasasabi, mali-mali naman. Sorry lang di ako perfect, pero di niya deserve.”

Narito naman ang pagtatanggol ng mga fans sa natanggap na award ni Kim.

“Congratulations, Kim! Bashers are bitter.”

“Try to see her often. She’s good, she’s trying to learn. Please be kind!”

“Congrats Kimmy proud of you… ignore na lang doon sa mga bitter… inggit lang mga ‘yan.”

“Oh, di ba madami pa ding bashers dito, but hey! She got the award. Let her cherish this award. Ganiyan naman talaga eh kahit sa workplace n’yo, aminin n’yo kapag may na-promote, meron at meron pa din kayo sasabihing negative about that person. Kapag inggit, pikit. Congrats, Kim Chiu!”

“Dami namang bitter dito bakit kaya hindi na lang kayo mag-congrats para everybody happy. Nasa kaniya na yung award di ba may mgagawa pa ba ‘yang mga panlalait ninyo? Ganiyan talaga basta mababait hindi lang sa camera pati sa totoong buhay pinagpapala lagi ni God. Lalo pa ngang gumaganda career niya eh saka tingnan n’yo yung mukha niya hindi halatang 30+ na.”

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Kim hinggil sa isyung ito.

Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin

Angeline nakiusap sa mga kaibigan na bumili ng ticket sa kanyang concert; tatay ng magiging anak may work, pero…

Paolo nakiusap na siya na lang ang banatan: No one else deserves it, ako lang!

Read more...