Zeinab ibinandera ang regalo sa sarili na kasing-halaga ng bahay at kotse, ‘kilig much’ sa singsing na ibinigay ni Donnalyn

Zeinab ibinandera ang regalo sa sarili na kasing-halaga ng bahay at kotse, ‘kilig much’ sa singsing na ibinigay ni Donnalyn

PHOTO: Instagram/@zeinab_harake

FIRST time na nagkaroon ng “unboxing” video ang vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang YouTube account at diyan niya ipinakita ang mga nakuhang regalo nitong nagdaang Pasko at birthday niya.

Sey ni Zeinab, “First time kong mag-unboxing kasi lagi nalang, taon-taon kapag birthday ko parang dalawa o tatlong gift lang ‘yung nare-receive ko.”

“Pero ngayon, parang medyo higit sampu naman sila. Parang deserve ko naman na mag-unbox at first time kong mag-share sa inyo dahil hindi rin naman ako ‘yung klase ng tao na nireregaluhan ka lagi dahil ako ang klase ng tao na ayaw ng regalo,” aniya.

Ilan lamang sa mga ibinandera niyang regalo mula sa pamilya at malalapit na kaibigan ay mga luxury items na binili pa sa Louis Vuitton, Dior at Hermes.

Pero ang talagang nagpakilig kay Zeinab ay ‘yung ibinigay na singsing ng social media influencer na si Donnalyn Bartolome.

Ibinahagi pa nga ni Zeinab ang kanyang reaction video na halos humihiyaw na sa kilig ang vlogger.

“May shinare akong ganitong post!,” sey ni Zeinab.

Ayon naman kay Donnalyn, “Hoy! Real diamonds ‘yan! Hindi ‘yan basta-basta accessories ‘yan, so it’s real diamonds ‘yan…It’s from Disney.”

Naging emosyonal naman bigla si Zeinab at sinabing, “Naiiyak ako. Ngayon lang may nagbigay sakin ng ganito.”

“Nagpapasalamat ako na may ganun akong kaibigan na nagbigay sakin ng ganito. Ito ay galing sa Disneyland, galing Hong Kong. Nag-yes na ako kay Donna so I’m engaged,” aniya.

Proud ding ibinandera ni Zeinab siyempre ang regalo na ibinili niya para sa sarili na ayon sa kanya ay kasing halaga ng isang bahay at kotse.

“Talagang pinagdasal ko at ilang buwan na trabaho ko ‘yung sinave ko para sa bag na ‘to kasi nga sabi ko, gusto kong bilhan ng first Hermes ‘yung sarili ko ngayong 24 years old ako,” sey niya.

Chika pa niya, “Akala ko nga, 25 pa ako makakabili. Pero sabi naman nila, ‘Deserve mo ‘yan’ tapos pinilit talaga nila ako. Kasi kung kilala niyo ako, mahilig akong magbigay. Sobra-sobra pero hindi ko kayang gastusan ng ganung kalaki ang sarili ko.”

Binanggit din ni Zeinab na dahil sa napakamahal ng kanyang nabili ay magsisilbi na rin itong investment sakaling mangailangan siya ng pera.

“Ito talagang investment ‘to. Anytime na kakailanganin ko ng pera, alam kong may mahuhugot akong gamit dito na pwede kong isanla, ibenta or what dahil magandang investment ‘to,” aniya.

Dagdag pa niya, “Ang naglalakad na sasakyan at bahay! Kasi ‘nung panahon namin pag may ganung pera na ako, may bahay at sasakyan na ‘yun eh. Pero ito tingnan niyo, may bag na ako na ganung kamahal.”

Sa sobrang tuwa ni Zeinab, sinabi niya na lalo pa siyang ginanahang magtrabaho at maraming proyekto raw ang aasahan ng fans sa kanya ngayong taon.

“Lalo kong gagalingan this 2023, so lalo kayong maba-bad trip diyan…nagpapasalamat ako kay God kasi talagang bliness niya ako ng sunod-sunod na work nitong mga nakaraan, kaya sa tingin ko, deserve ko naman,” sey niya.

Sa bandang huli ay nag-iwan pa siya ng motivational at inspiring message para sa mga nanonood ng kanyang vlog.

Sabi ng vlogger, “Push lang ng push. Galingan lang natin lagi sa trabaho natin dahil ‘yun ang pinaka importante o kaya kung may mga gusto tayong bagay. Hindi natin makukuha ‘yan ng hingi o budol kung hindi natin ‘yan paghihirapan.”

Related chika:

Zeinab Harake naiyak nang makita si Marian, todo pasalamat kay Rhea Tan: ‘I love you talaga! Sobrang ganda mo!’

Read more...