Bonggang collab ng ABS-CBN at TV5 tuloy pa rin; ‘Batang Quiapo’ ni Coco pasabog para sa 18th death anniversary ni FPJ
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Lovi Poe at Coco Martin
ANG groundbreaking collaboration ng TV5 at ABS-CBN ay maghahatid ng mas pinalakas na primetime ngayong 2023 sa pagsisimula ng star-studded na programang “Dirty Linen” at sa pinakahihintay na pagbabalik ni Coco Martin sa “FPJ’s Batang Quiapo”, bilang paggunita sa 18th death anniversary ni Fernando Poe, Jr..
Nagsimula na sa TV5 noong Enero 23 ang “Dirty Linen”, na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo kasama ang all-star ensemble cast na pinangungunahan nina John Arcilla, Joel Torre, Janice D
De Belen, Francine Diaz, at Seth Fedelin, sa ilalim ng direksyon nila Onat Diaz at Andoy Ranay.
May special participation din sa serye ang Golden Globe nominee na si Dolly de Leon at Harlem International Film Festival Winner na si Ruby Ruiz.
Umiikot ang kwento nito sa pamilya Fiero na nanganganib ang buhay dahil sa mga naghahanap ng hustisya sa kasalanan ng kanilang pamilya.
Bukod sa “Dirty Linen”, may pasabog na handog ang TV5 at ABS-CBN para sa mga fans ng long-running TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil muling magbabalik ang Primetime King na si Coco Martin sa TV adaptation ng 1986 action-comedy film ni Fernando Poe Jr., ang “Batang Quiapo”.
Bilang paggunita sa 18th death anniversary ni FPJ, nag-team up si Coco at Dreamscape Entertainment, kasama ang anak ni FPJ na si Lovi Poe, para sa isang promising, action-packed, at timeless na TV adaptation ng nasabing FPJ classic film.
Kasama din sa cast ng “Batang Quiapo” sina Lito Lapid, Christopher De Leon, Susan Africa, John Estrada, Pen Medina, Cherry Pie Picache, Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, at Tommy Abuel. Sa direksyon nina Martin at Malu Sevilla, nakatakda itong ipalabas sa TV5 ngayong taon.
Since last year, masaya nang nakikinabang ang mga Kapatid at Kapamilya viewers sa collaboration ng TV5 at ABS-CBN dahil nae-enjoy nila ang top-notch free TV entertainment sa buong bansa.
Sa patuloy na pagpapalakas ng programming line up ng TV5 kasama ang mga programa ng ABS-CBN, mas lalong kapana-panabik ang mga bagong kwento na tiyak na ma-e-enjoy ng buong pamilya.
Sa mga kaabang-abang na kwentong hatid ng “Dirty Linen” at “FPJ’s Batang Quiapo,” asahan pa ang mas maraming mga programa ngayong 2023 sa patuloy na collaboration ng TV5 at ABS-CBN upang maghatid ng mas marami pang dekalibreng mga palabas ngayong taon.