Sharon pinayuhan si KC na hindi niya kailangan ng lalaki para mabuhay: ‘Pero siyempre I want her to find true love’

Sharon pinayuhan si KC na hindi niya kailangan ng lalaki para mabuhay: 'Pero siyempre I want her to find true love'

KC Concepcion at Sharon Cuneta

KUNG may isang advice si Megastar Sharon Cuneta sa panganay niyang anak na si KC Concepcion na tandang-tanda pa niya until now, yan ay ang huwag na huwag aasa sa lalaki para mabuhay.

Kalat na kalat ngayon ang balitang may idine-date si KC na isang Swiss-Filipino guy na nagngangalang si Steve Michael Wuethrich.

Ayon kay Shawie, palagi niyang ipinagdarasal na sana’y makatagpo na nga si KC ng lalaking mamahalin siya nang totoo na makakasama niya nang panghabangbuhay.

“Si KC malaki na siya so may sariling buhay. Pero nu’ng maliit si KC, perfect talaga. Perfect child na parang walang kasamang bata.

“Tsaka gusto ko lang maalala niya lahat, lahat, lahat ng sacrifices ko din, kasi she grew up nga, I had to work.

“Kasi ayokong maging sampid sa parents ko at ayokong maging example sa kanya na aasa ka.


“That’s why she knows how to work, she’s a hard worker, and I’m proud of that. Marunong sa buhay. So, yun ang naipamana ko, na you don’t need a man in order to survive,” sabi pa ni Megam

Sey pa ni Sharon, “Siyempre, I want her to find true love.”

Hindi rin daw niya tinatanong si KC tungkol sa lovelife kaya hindi niya alam kung may bago na itong boyfriend. Hinihintay lang daw niya ang aktres kung kailan ito magkukuwento sa kanya.

Aniya pa, mas maraming qualities na nakuha si KC sa kanyang amang  si Gabby Concepcion.

“Kasi nu’ng lumalaki na siya, nakikita ko… di ba, dalawa kasi ang parents, di ba? Merong anak na katulad na katulad mo, merong anak na hindi.

“Kami, kung tutuusin, para kaming polar opposites. Yung magkaibang-magkaiba kami. Pero nabubuo kami ng love namin for each other.

“And there are a lot of things na she and her papa are very much alike. Pero anak ko to, e. Anak ko si KC.

“Bali-baligtarin mo man ang mundo, isa lang ang nanay mo, at siya lang ang panganay ko. Siya ang unang-unang nagparamdam sa akin ng pagiging ina.

“So, kahit anong mangyari, mamahalin at mamahalin ko siya. Mahal na mahal ko si KC,” pahayag pa ni Sharon.

Pamangkin ni Vice rumesbak sa nagsabing umaasa lang sila sa TV host para mabuhay: Nakakabastos po!

Dingdong: Gagawin natin lahat para mabuhay ulit ang movie industry

Sharon muling nakasama si KC sa US: A little happy during days of grieving

Read more...