Pang-back-to-back kay Alexandra Mae Rosales sa Miss Supermodel Worldwide pipiliin na

Pang-back-to-back kay Alexandra Mae Rosales sa Miss Supermodel Worldwide pipiliin na

Miss Supermodel Philippines finalists/ARMIN P. ADINA

NASUNGKIT ni Alexandra Mae Rosales ang unang panalo ng Pilipinas sa Miss Supermodel Worldwide contest sa India nitong Oktubre, at ngayon sinimulan na ang paghahanap ng dilag na maaaring makapagbigay sa bansa ng back-to-back ngayong taon.

Isinagawa ng Miss Supermodel Philippines contest ang final screening para sa mga aplikante nito noong Enero 27 sa One Shangri-la Place sa Mandaluyong City, kung saan ipinakilala na rin ang mga nakapasa. Makaraan ang serye ng mge screening ngayong buwan, pumili ang patimpalak ng 15 opisyal na mga kandidata.

Dahil sa mabigat na tungkuling nakaamba, iyon ay ang maitala ang ikalawang sunod na panalo ng Pilipinas sa Miss Supermodel Worldwide contest, isasailalim ang mga kandidata sa mga hamon upang matukoy kung sino ang karapat-dapat na sumunod sa mga yapak ni Rosales.

Sinabi sa Inquirer ni May Evelyn Maghirang, ang national director ng patimpalak, na isusunod nila ang kumpetisyon sa Pilipinas sa isinagawang pandaigdigang patimpalak sa India kung saan nagwagi si Rosales.

“Mayroong challenge sa photoshoot. Mayroong apat na challenges, gagawin naming sa studio namin,” ani Maghirang.

Sinabi niyang napuna nila kung gaano kahigpit ang mga pagsasanay sa India noong sumabak si Rosales doon. “Siyempre ang hinahanap natin iyong kayang ma-represent ang Pilipinas. Kaya niyang gawin ang pageant, nagra-runway,” aniya.

“So gusto ko ang mapili namin dito iyong talagang masunod iyong kay Alexandra, sana makuha ulit natin iyon,” pagpapatuloy ni Maghirang.

Sinabi niyang gagawin ang huling pagpili sa Peb. 18 ngunit hindi pa ibinahagi kung saan ito idaraos. Pipipliin na ng organisasyon kung sino ang magwawagi sa araw na iyon, ngunit ipakililala lang siya sa Peb. 25.

Sa India muling itatanghal ang 2023 Miss Supermodel Worldwide contest. Makaraang iusog sa Oktubre ang patimpalak para sa 2022, babalik na ito sa nakasanayang iskedyul tuwing Abril. Sinabi ni Maghirang na bagama’t napaikli ang pagrereyna ni Rosales, tatagal naman nang dalawang taon ang kontrata niya sa international organizers.

Related Chika:
Pinay wagi sa Miss Supermodel Worldwide sa India

Beauty queen mula sa Olongapo unang Pinay na nagwaging Miss Aura International 2021

Herlene na-hurt sa pang-ookray noon ng ex-beauty queen: Siyempre buong pagkatao ko iyon, pati nanay ko dinamay pa niya

Catriona Gray napiling judge sa reality show na Supermodel Me; may movie offer kasama si Sam Milby

Miss Manila 2020 muling binanatan ng netizens sa panlalait kay Herlene Budol dahil sa lumang video ng ‘Wowowin’

Read more...