Mahigit 50k SIM na ginamit sa panloloko nayari, deactivated at blocked na

Mahigit 50k SIM na ginamit sa panloloko nayari, deactivated at blocked na

INQUIRER File Photo

BAGO pa maging batas ang SIM Registration Act na pinaniniwalaang solusyon upang maprotektahan ang cellphone users mula sa “scam messages” ay nagpatupad na ang Globe ng kampanya laban sa mga nanloloko.

At iniulat nga nila kamakailan lang na mahigit 50,000 na SIM ang pinutol nila dahil may kaugnayan ito sa ilang “fraudulent activities.”

Base sa kanilang datos noong nakaraang taon, umabot sa 20,225 SIMs ang na-deactivate, habang nasa 35,333 SiMs naman ang na-block.

Ayon sa telco company, itutuloy pa rin nila ang pagi-invest sa cybersecurity programs upang maprotektahan ang kanilang customers.

“Globe recognizes the growing threat posed by scammers, who use various tactics, including text messages, to deceive innocent victims into giving up personal information that could be used to compromise their financial accounts,” saad sa inilabas na pahayag ng kompanya.

Samantala, base sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay mahigit 23 million na ang nakapagrehistro ng SIM.

As of January 20, ang Smart Communications Inc. ang may pinakamaraming rehistro na umabot na ng 11,716,059.

Sumunod naman diyan ang Globe Telecom Inc. na nakapagtala ng 9,669,285 registered subscribers.

Habang ang DITO Telecommunity Corp. ay mayroon nang 1,906,089 SIMs registered.

Ayon pa sa tagapagsalita ng DICT na si Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, nagtatayo rin sila ng ilang registration booth sa mga probinsya, lalo na kapag may mga piyesta bilang tulong na rin sa mga kababayan na hirap mag-register ng SIM.

Kung matatandaan, ang “Sim Card Registration Act” ang kauna-unahang batas na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Oktubre ng nakaraang taon.

Malaki ang maitutulong ng bagong batas sa gobyerno upang ma-track ang mga nangyayaring krimen sa pamamagitan ng cellphones.

Nauna nang sinabi ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil na, “the SIM Card Registration Act aims to provide accountability in the use of SIM cards and aid law enforcers to track perpetrators of crimes committed through phones.”

Read more:

DICT: Umabot na sa 23M ang nagparehistro ng SIM, nagpaalala sa mga pekeng website

Read more...