Paris Hilton proud maging ‘mommy’, nakapiling na ang kanyang baby boy

Paris Hilton proud na ibinandera na isa na siyang ganap na ina

PHOTO: Instagram/@parishilton

ISANG napakasayang balita ang ibinandera ng American media personality at socialite na si Paris Hilton sa social media.

Inanunsyo niya kasi na isa na siyang ganap na ina!

Sa isang Instagram post ay proud na ipinakita ng socialite ang isang litrato ng kanyang kamay at ng kanyang baby na magkahawak.

Tila hudyat ito na nakapiling na niya ang first baby nila ng mister na si Carter Reum na nabuo sa pamamagitan ng “surrogacy.”

Caption pa ni Paris sa Instagram, “You are already loved beyond words (blue heart emoji).”

Napa-comment naman ang ilang bigating international celebrities sa kanyang post.

Kabilang na riyan ang social media star na si James Charles, singer Lindsay Lohan, media personality Kris Jenner at marami pang iba.

Noong nakaraang buwan lamang ay ibinahagi ni Paris sa isang panayam sa People Magazine ang tungkol sa “In Vitro Fertilization (IV)” process na pinagdaanan nilang mag-asawa.

Ikinuwento pa niya na nagsimula sila noong pandemya at sinabing ang mga panahon na iyon ay ang tamang oras para sumailalim sa nasabing proseso.

Sey ng dating reality TV star, “because the world was shut down, it was the perfect timing to get all of the eggs stocked and ready.

November 2021 nang ikinasal sina Paris at Carter.

Taong 2019 naman sila nagsimulang mag-date matapos ang 15 years na magkaibigan.

Related chika:

Lolit Solis durog na durog sa fans ni Bea Alonzo; OOTD ni Kylie Verzosa napansin ni Paris Hilton

Read more...