Lito Lapid balak nang mag-retire sa politika, wala pang maintenance medicine sa edad na 67: ‘Kaya ko pang mangabayo, pero…’

Lito Lapid balak nang mag-retire sa politika, wala pang maintenance medicine sa edad na 67: 'Kaya ko pang mangabayo, pero...'

Mark Lapid at Lito Lapid

PLANO nang magretiro ni Sen. Lito Lapid sa mundo ng politika at wala na raw siyang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon.

Ayon sa veteran actor at public servant, tatlong taon na lang at nais na niyang iwan ang politics pero hindi pa rin daw niya ititigil ang pagseserbisyo sa ating mga kababayan kung kinakailangan.

Sabi ng senador, 27 years na rin siya sa politika at tatlong taon na lang ay 70 years old na siya.

“Wala na, wala na akong ano. Bahala na, kasi hindi ko naman tinatapos ang salita ko, baka sakaling meron pa o ano,” pahayag ni Sen. Lapid sa pre-Valentine chikahan niya with showbiz press nitong Lunes, January 23.

“Kasi 70 years old na ako pagkatapos nito. Kung ma-reelect ako, matatapos ako, 76 years old. Di ba? Kaya wala na akong inaano sa sarili ko. Basta retired na ako, okey na ako,” aniya pa.

At knows n’yo ba, sa edad niya ngayon ay wala pa raw siyang maintenance medicine at in fairness, batambata pa rin ang kanyang itsura at malakas pa ang pangangatawan.

“Kasi ensayado, e. Kasi hindi ako nagpapabaya. Alam ko naman, e, saka lagi akong ready. Baka bigla akong isama sa pelikula.

“Kamukha niyan, nakadalawang pelikula akong tapos. Tapos bigla akong kinuha dito sa ‘Batang Quiapo’ (bagong teleserye ni Coco Martin). At least nakakondisyon pa rin ang katawan ko,” kuwento pa ng aktor.


Ang dalawang pelikula naman na tinutukoy niya ay ang “Apag” ni Direk Brillante Mendoza at ang action-drama na “Lumang Bakal.”

Sa darating na Marso naman ay sisimulan na niya ang shooting para sa pelikulang “Buy Bust 2” kasama sina Anne Curtis at Gerald Anderson, sa direksiyon ni Erik Matti.

Samantala, natanong din si Sen. Lapid kung marunong pa siyang mangabayo na naging tatak niya sa mga nagawang pelikula noon.

“Nangangabayo pa ako pero natatakot ako dahil… kondisyon ang katawan ko, baka ikako nasa isip ko na lang. Baka hindi sa katawan ko.

“Pero hindi ko pa tina-try. Sa Probinsyano, di ba, nangabayo ako, lahat. E, baka ikako nasa isip ko na lang na alam kong, ‘Kaya ko ito! Kaya ko ito!’

“Kasi kahit si Coco, pinipigilan ako du’n sa Probinsyano, e. ‘Huwag ka na, Tito! Magpadobol ka na!’ Sabi ko, ‘Hindi! Kaya ko ito!’ Ayun.

“At least nakaraos naman ako. Nagampanan ko naman yung ibinigay sa akin na role bilang Pinuno,” pagbabahagi pa ng beterang action star.

Lito Lapid umaming hindi marunong makipagdebate sa Senado; ayaw pumatol sa bashers

Lito Lapid shookt sa style ni Direk Brillante Mendoza: Bahala ka sa mga dialogue mo, walang script

Gladys Reyes may ibinuking tungkol kina Coco, Jaclyn, Sen. Lito at Direk Brillante

Read more...