Regine Velasquez at Jane de Leon
MAY isyu ba si Jane de Leon kay Asia’s Songbird Regine Velasquez?
May nabasa kami na bilang pasabog sana sa pagtatapos ng “Darna” series ni Jane sa ABS-CBN ay naghahanap ang produksyon ng isang aktres na gumanap na rin noon bilang Darna.
Kung sino man daw ang mapipili ang siyang makaka-face-to-face ni Jane at ang balita nga ay si Regine daw ang umokey sa mga natawagan.
Nai-report din ito ni Nanay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” program nila ni Romel Chika na napapakinggan sa Radyo 5 92.3 News FM.
Bungad ng beteranang host, “Ang dami-daming gustong matapos na ang Darna na ‘yan!”
“And speaking of Darna ‘Nay sa finale ng Darna hinahanap daw nila ang lahat ng gumanap ng Darna at isasama raw sa finale?” sabi naman ni Romel Chika.
“Ganu’n? E, meron akong nahagip na kuwento na dapat pala, e, si Regine Velasquez ang ay makakasama rito. Tinawagan daw si Regine, okay walang kaarte-arte. Ang nag-inarte raw ay itong si Jane de Leon,” kuwento ni ‘nay Cristy.
Si Regine ay gumanap bilang Darna sa pelikulang “Captain Barbell” na ginampanan ni Sen. Bong Revilla, Jr., taong 2003.
Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy na binasa ang mensahe sa kanya ng source, “Si Regine Velasquez pala ang huling pasabog ng Darna, walang kaabog-abog na nu’ng sinabihan ng produksyon si Regine, umoo agad, nagbigay ng sched at walang tanong kung magkano ang TF (talent fee).
“Sa kasamaang palad, hindi natuloy dahil ang hitad na Jane de Leon (natawa si nanay) nagpaimportante, gusto ng hitad body double na lang daw ang iharap kay Regine tapos mag-chroma na lang kesyo maraming dahilan ang babae.
“Kaya hindi pumutok ang Darna dahil hindi minahal ang leading lady. Hindi man lang niya nakuha ang magandang working attitude nina Joshua Garcia at Janella Salvador. Ah, kaya naman pala,” sabi pa.
Tinanong namin ang isa sa direktor ng “Darna” na si Benedict Mique pero wala raw siyang alam dito dahil hindi na siya kasama sa last few taping days dahil nang mag-resume ng taping ang series ni Jane ay January 3 at dumating siya galing Amerika kasama ang mga anak ay noong January 10.
Noong katrabaho raw niya si Jane ay mabait naman sa kanya kaya nalulungkot siya sa mga naglalabasang isyu tungkol sa aktres.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Jane pati na nina direk Avel Sunpongco at Darnell Villaflor o ng business unit head na si Ms. Julie Anne Benitez tungkol sa isyu.
Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna
John Arcilla ayaw na munang gumanap na kontrabida, dedma na sa bashers: Hindi na po ako naba-bother sa inyo
Diego Loyzaga parang naka-jackpot sa pagganap bilang Bongbong Marcos: Tawagin n’yo rin po akong loyalist!