DICT: Umabot na sa 23M ang nagparehistro ng SIM, nagpaalala sa mga pekeng website

DICT: Umabot na sa 23M ang nagparehistro ng SIM, nagpaalala sa mga pekeng website

MAHIGIT 23 million na ang nakapagrehistro ng SIM, base sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

As of January 20, ang Smart Communications Inc. ang may pinakamaraming rehistro na umabot na ng 11,716,059.

Sumunod naman diyan ang Globe Telecom Inc. na nakapagtala ng 9,669,285 registered subscribers.

Habang ang DITO Telecommunity Corp. ay mayroon nang 1,906,089 SIMs registered.

Ayon pa sa tagapagsalita ng DICT na si Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, nagtatayo rin sila ng ilang registration booth sa mga probinsya, lalo na kapag may mga piyesta bilang tulong na rin sa mga kababayan na hirap mag-register ng SIM.

Sey niya, “Our public telecommunication entities (PTE) have already developed their respective execution plans to reinforce and to promote public awareness and provide assistance to the public on the registration of their SIM cards, including during major festivities in the provinces, such as the Dinagyang in Iloilo.”

“This is part of their commitment to the DICT as we ensure the proper implementation and timely completion of the SIM registration,” aniya.

Nagpaalala din ang DICT tungkol sa mga pekeng links o websites.

Narito ang “official links” na galing mismo sa mga telco companies:

• SMART – smart.com.ph/simreg

• GLOBE – new.globe.com.ph/simreg

• DITO – https://digital.dito.ph/pto/download/app

Read more:

SIM card registration aarangkada na sa Dec. 27, NTC may mga paalala sa publiko

Read more...