Cristy Fermin, Raffy Tulfo, Ted Failon, Cheryl Cosim tuloy ang mga bonggang pasabog sa 2023

Cristy Fermin, Raffy Tulfo, Ted Failon, Cheryl Cosim tuloy ang mga bonggang pasabog sa 2023

Ted Failon, Cristy Fermin at Raffy Tulfo

NGAYONG 2023, kasabay sa pagdiriwang ng Chinese New Year, maririnig na ang tunay na tunog ng serbisyo publiko sa mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon — “Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko!”

Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to love guru ng bansa, ang “Dr. Love ni Bro. Jun Banaag.”

Mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m. to 12 midnight, tutulungan ni Bro. Jun ang mga magkarelasyon sa kanilang mga love problems at gagabayan sila sa mga pinagdadaanan nilang mga pagsubok.

Sa darating na Enero 23, mapapakinggan na sa Radyo5 ang iba pang mga bagong weekday programs tulad ng “Bangon Bayan with Mon” mula 4 a.m. hanggang 6 a.m., “Sagot Kita!” ni Cheryl Cosim mula 4 p.m hanggang 5 p.m., “Good Vibes” nina Laila Chikadora at Stanley Chi mula 6:30 hanggang 8 p.m., at “Pinoy Konek” ni Danton Remoto mula 9 hanggang 10 p.m..

Gigisingin ng morning energy ni Mon Galvez ang mga listeners sa kanyang infotainment program na “Bangon Bayan with Mon.”

Ipadadama naman ni Cheryl Cosim ang kanyang passion for public service sa “Sagot Kita!”sa kanyang pagtulong sa mga Pilipinong idudulog ang kanilang pangangailangang makipag-ugnayan sa mga government agencies.

Hatid naman nina Laila Chikadora at Stanley Chi ang lighter side ng mga balita sa kanilang programa na “Good Vibes.”


Ibabahagi ng dynamic duo na ito ang latest pop culture at social media trends na tiyak na mae-enjoy ng mga guests at callers.

Pagdating naman sa usapang OFW, handang tumugon si Danton Remoto sa “Pinoy Konek,”na magkukunekta sa mga listeners at magbabahagi din ng mga napapanahong usapin at magtatalakay ng modern at folk literature, musika at Philippine history.

Ang Radyo5 ang tunay na tahanan ng mga nangunguna at respetadong radio anchors sa bansa, at patuloy ito sa paghahatid ng mga kilala at tinatangkilik na radio programs tulad ng “Ted Failon and DJ ChaCha”, “Cristy Ferminute” ni Cristy Fermin, at “Wanted sa Radyo” ni Sen. Raffy Tulfo.

Magandang panimula sa Year of the Rabbit ang exciting news, public service at entertainment program offerings ng Radyo5 ngayong 2023.

Ted Failon nahawa na rin ng COVID-19; DJ Chacha humiling ng dasal

Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

John Lapus inakusahang binu-bully si Duterte; Ogie ipinagtanggol si Raffy sa madlang pipol

Read more...