‘Avengers’ star Jeremy Renner nabalian ng mahigit 30 buto, patuloy na nagpapagaling

‘Avengers’ star Jeremy Renner nabalian ng mahigit 30 buto, patuloy na nagpapagaling

MAY bagong update ang “Avengers” actor na si Jeremy Renner matapos maaksidente sa snow nitong buwan.

Sa Instagram post ng aktor ay makikita ang litrato na nakahiga pa rin siya sa ospital bed habang sumasailalim sa tila therapy session.

Sabi pa ni Jeremy na nagbago ang lahat ng pinaplano niyang New Year’s resolution dahil sa nangyari sa kanya.

Caption ni Jeremy, “Morning workouts, resolutions all changed this particular new years.

“Spawned from tragedy for my entire family, and quickly focused into uniting actionable love (red heart emoji).”

Nagpasalamat pa siya sa lahat ng mga nagpaabot ng mensahe para sa kanyang paggaling.

Sey niya, “ I want to thank EVERYONE for their messages and thoughtfulness for my family and I …. Much love and appreciation to you all.”

Binanggit din niya sa kanyang post na bagamat mahigit 30 na mga buto ang nabali sa kanyang katawan ay tinitiyak niyang magiging malakas siya.

Kagaya aniya ng pagmamahal ng isang pamilya at kaibigan.

“These 30 plus broken bones will mend , grow stronger, just like the love and bond with family and friends deepens . Love and blessings to you all (folding hands emoji),” lahad sa IG post.

Kamakailan lamang ay sumailalim sa surgery ang “Hawkeye” actor dahil sa tindi ng natamong injury matapos magulungan ng kanyang vintage PistenBully o snowcat sa Washoe Count, Nevada, USA.

Ang snowcat ay ginagamit sa pampatag at pang-alis ng yelo sa daan at kalsada na may bigat na 14,330 pounds.

Noong January 4 ay nakapag-post si Jeremy sa kanyang Instagram account upang ipaalam sa publiko na medyo maayos na ang kanyang kundisyon.

Related chika:

‘Avengers’ stars sanib-pwersa para ipagdasal si Jeremy Renner matapos maaksidente: ‘Speedy recovery buddy’

Read more...