HINDI pinalampas ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose ang isang post ng netizen na kinukumpara siya sa batikang aktres na si Judy Ann Santos.
Ayon kasi doon sa netizen, mas magaling umarte si Julie Anne kaysa kay Juday.
As of this writing ay burado na ang nasabing post sa Twitter, pero ang pagkakasabi ng netizen ay “Grabe walang sinabi si Mara – Judy Ann Santos kay Maria Clara – Julie Anne San Jose. Si Juday magaling lang lumuha pero hindi nakakadala. Si Julie Anne tagos bawat salita! Napakahusay!”
Sinagot naman ‘yan kaagad ng singer-actress at nilinaw na marami pa siyang pagdadaanan bago lagpasan ang husay ng batikang aktres.
Reply niya sa naturang tweet, “Hello po, hindi po totoo ito.”
Patuloy niya, “I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako.
“Marami pa po ako kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat,” aniya.
Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at marami pa po ako kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat 🙏🏻
— JULIE ANNE SAN JOSE (@MyJaps) January 21, 2023
Dahil diyan ay maraming fans ang humanga sa kanyang pagiging humble at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“We love you Julie (red heart emojis) napaka humble mo sobra at napakabait pa.”
“Tigilan niyo si jules mabait na bata at hindi nakikipag kompetensya kahit kanino yan! gumagawa pa kayo ng account para masira siya!”
“Most humble artist. We love you, Lodi Jules.”
Noong nakaraang linggo ay natapos na ang kwento ng “Noli Me Tangere” sa award-winning primetime series ng GMA 7 na “Maria Clara at Ibarra”.
Simula January 23 naman ay magsisimula na ang bagong kabanata ng teleserye, ang “El Filibusterismo.”
Pagbibidahan pa rin ito ni 2016 Fantasporto International Best Actress at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza as Klay, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose as Maria Clara, at Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Ibarra/Simoun.
Para kay Julie Anne, talagang feeling blessed and grateful sila sa tagumpay ng “Maria Clara at Ibarra.”
Sey niya, “Sobrang surreal pa rin na ako ang nagpo-portray ng Maria Clara.
“Nagpapasalamat ako sa malaking opportunity na ito. Collective effort siya from the whole team.”
“Bawat detalye ng project na ito ay pinaghirapan kaya worth it ang lahat ng dugo, pawis at luha. Sobrang thankful kami,” aniya pa.
Related chika: