Paolo Gumabao at Sara Sandeva
HINDI tuluyang tatalikuran ng Kapamilya actor na si Paolo Gumabao ang paghuhubad sa pelikula pero may mga “kundisyon” na raw siya ngayon bago tumanggap na sexy projects.
Nakilala ang binata sa mga mapangahas na proyekto, tulad ng “Lockdown” (2021) kung saan wala siyang takot na naghubo’t hubad at nagpakita ng kanyang pagkalalaki.
Sa Metro Manila Film Festival 2022 entry ng Borracho Film Production na “Mamasapano: Now It Can Be Told” napalaban naman si Paolo sa drama at maaaksyong eksena. At in fairness, marami ang pumuri sa kanya sa nasabing pelikula.
At sa bago nga niyang project mula pa rin sa Borracho Film Production, ang “Spring in Prague”, magpapakilig naman si Paolo sa isang kakaibang love story na may pagka-wholesome din.
Makakatambal niya rito ang Czech actress na si Sara Sandeva mula sa panulat ni Eric Ramos, at sa direksyon ni Lester Dimaranan.
Sa presscon ng “Spring In Prague” last January 18, natanong si Paolo kung hindi na siya tatanggap ng mga proyektong kailangan niyang maghubad at makipag-love scene sa babae at kapwa niya lalaki na ilang beses na nga niyang nagawa sa kanyang previous movies.
“Of course ako, I see myself not as a celebrity. Hindi ako artista, I am an actor. I am a slave to the craft,” paliwanag ni Paolo.
“So, if someone gives me a script that I feel is beautiful and if I know that the director is gonna be working on it, if it’s an amazing and talented director na maalagaan ako sa lahat na mga eksena kong kukunan namin.
“Plus yung magiging partner ko du’n sa pelikula na yun is an actress na alam ko na mabibigyan din ng hustisya yung proyekto, game tayo diyan,” aniya.
Pagpapatuloy ng aktor, “Siguro I wanna make sure na festival-worthy siya. Not only Cannes. There’s a lot of prestigious award-giving bodies sa ibang bansa. Hindi lang naman kailangang Cannes. Maraming mga iba.
“So, if it’s a material or a script that I feel na madadala kami du’n or feeling ko kaya kong gampanan at bigyan ng hustisya, e, tatanggapin ko po,” dugtong pa ng binata.
Sa susunod na buwan na magsisimula ang shooting ng “Spring in Prague” na kukunan pa sa Czech Republic.
“I feel very blessed siyempre na napu-put into work ko na rin lahat ng mga natutunan ko sa nine years ko sa industriya.
“Kasi ngayon lang naman po ako nabibigyan ng mga chance. Pero hindi ko rin nire-regret at happy ako, masaya ako sa pinagdaanan ko.
“Kasi kung ibibigay sa akin ang ganitong project five years ago, hindi ko kaya, e. So, feeling ko, dumating po lahat ng mga blessing sa akin kung kailan pakiramdam siguro ng universe na handa na ako,” sabi pa ng aktor.
“I’ve been dreaming of this moment since I was a kid. Lahat ng mga projects na nakukuha ko ngayon were all manifestations kumbaga.
“Ini-imagine ko talaga siya dati pa. I also dreamed of working with a foreign actress, gaya ng nangyari. Yung Mamasapano, pangarap ko rin yun, mag-action.
“So to win awards, dream ko. Pero siyempre the learning doesn’t stop there. Alam ko rin talaga na napakaaga pa at napakabata pa ng career ko.
“Pere I’m just here right now, ginagawa ko ang best ko sa lahat ng proyekto na ibigay sa akin. At siyempre, hopefully, isa tayo sa tumagal sa industriya,” lahad pa niya.
Ayon naman kay Atty. Ferdinand Topacio, may-ari ng Borracho Film Production, si Paolo talaga ang first choice nila para sa “Spring in Prague.”
“Actually, nu’ng hindi pa siya tapos sulatin, kinausap na ako ni Atty. Ferdie Topacio about it because he really needed someone who could connect with a foreign actress kumpara sa mga iba.
“Siyempre ako, I grew up in Taiwan. So, first language ko talaga is Chinese and English. So, kaya naging first choice ako para maging guide din for Sara.
“Kasi siyempre iba rin yung industriya nila dun. Iba rin yung sistema nila. So, dito sa film na ito, I just focus on you know being the best leading man that I could,” aniya pa.
Sa “Spring in Prague” ay may kaunting pagpapa-sexy pa rin si Paolo, pero mas naka-focus nga sa love story nila ng leading lady niyang zi Sara Sandeva ang pelikula.
“Nandoon pa rin yung pagiging Paolo Gumabao na may konting (paseksi) pero hindi na kagaya ng dati. Pero medyo mainit-init pa rin,” chika pa niya.
Sharon uminom ng totoong tequila sa body shot scene kasama si Marco; pinagtawanan lang ni Kiko
Angeli Khang hinding-hindi makakalimutan ang rape scene nila ni Markki Stroem sa ‘Virgin Forest’
Raymond Bagatsing tumodo na rin sa paghuhubad at sex scenes; Eva Mendez hindi nag-plaster sa ‘The Escort Wife’