MAY mga pampaswerte na ba kayo bago salubungin ang Chinese New Year ngayong January 22?
Kung wala pa, iisa-isahin namin ‘yan para sa inyo!
Nagpunta sa Binondo, Manila ang BANDERA upang maghagilap ng iba’t-ibang klase ng mga pampaswerte ngayong taon at siyempre, ipinaliwanag na rin ‘yan ng ilang experto sa amin.
Narito ang ilan sa mga nakita naming pampaswerte:
GABI/TARO
Pinaniniwalaang mas titibay ang relasyon ng pamilya.
LUYA
Ika nga nila, ang luya ay “good for the health” kaya marami ang nagsasabing maswerte ito pagdating sa kalusugan.
PALAY
Nagbibigay sagana sa buhay, at pantaboy ng malas at masamang kaluluwa sa bahay.
KIAT-KIAT
Pampaswerte pagdating sa negosyo at pinaniniwalaang nagpapasok ng swerte.
SANTIAGO CARD/KEYCHAIN
Nagbibigay swerte sa negosyo, pati na rin sa mga nagpapautang na may mga hindi nagbabayad.
FIVE ELEMENTS KEYCHAIN
Magandang pangontra ng malas dahil hinihigop nito ang mga masasamang elemento.
PECHAY KEYCHAIN
Pampaswerte pagdating sa paglago ng pera.
LEAF INFINITY KEYCHAIN
Pinaniniwalaang nagpapatibay ng pagkakaibigan at nagpapatatag ng relasyon.
GOLD COIN
Proteksyon sa mga hindi magandang pangyayari, gaya ng pagnanakaw, aksidente at kulam.
ROMANTIC COMB
Para sa mga naghahanap ng love life. Pampaswerte raw ito upang makita na ang inyong “destiny” o “the one.”
Related chika:
Sarah, Matteo may pabaon ding pampaswerte kay Rabiya para manalo sa Miss Universe 2020