Maja Salvador ibinandera ang bagong milestone, binigyan ng ‘star’ sa Eastwood City Walk of Fame

Maja Salvador ibinandera ang bagong milestone, binigyan ng ‘star’ sa Eastwood City Walk of Fame

PHOTO: Instagram/@maja

SUPER proud sa bagong milestone ngayong pagpasok ng taong 2023 ang aktres na si Maja Salvador.

‘Yan ay matapos siyang bigyan ng “star” sa 17th Eastwood City Walk of Fame.

Kasama pa niya ang ilang sa mga tinitingala at sikat na mga personalidad at celebrities, tulad nina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, National Artist na si Ricky Lee, at ang magkapatid na internet sensations Ranz Kyle at Niana Guerrero.

Masayang ibinandera ni Maja sa Instagram ang ilang litrato sa nasabing espesyal na event at makikitang kasama pa niya ang kanyang fiance na si Rambo Nunez.

Caption pa ng aktres, “Ang magtrabaho at malagay sa hanay ng mga iniidolo ko, at mga haligi ng industriya, ay isang karangalan na papahalagahan ko magpakailanman (star emoji)”

“Maraming maraming salamat sa regalong ito sa aking 20th year sa showbiz (yellow heart emoji),” aniya.

Ilan pa sa mga nakatanggap ng “star” noong January 18 ay sina ABS-CBN news journalist Mario Dumaual, singer Janet Basco, at radio broadcaster Gerry Baja.

Binigyan naman ng posthumous recognition ang National Artist for Theater na si Tony Mabesa na pumanaw noong October 2019.

Ang TV at movie icon na si German Moreno ang nagpasimuno ng Eastwood City Walk of Fame na ginaya sa “Hollywood Walk of Fame” sa Amerika.

Nang sumakabilang-buhay si Kuya Germs, ang kanyang anak na si Federico Moreno ang nagpatuloy ng kanyang adbokasiya.

Sa ngayon, ang “German Moreno Walk of Fame Foundation” ay meron nang mahigit 300 personalities mula sa iba’t ibang larangan, tulad ng TV, film, music, sports at news.

Related chika:

Dimples Romana proud na ibinandera ang achievement ng anak

Read more...