El Salvador susunod na host country ng 72nd Miss Universe pageant

El Salvador susunod na host country ng 72nd Miss Universe pageant

MAY panibagong destinasyon ng pagdarausan ang Miss Universe pageant para sa susunod na taon.

At ‘yan ay mangyayari sa bansang El Salvador!

Inanunsyo ito mismo habang ginaganap ang coronation day ng 71st Miss Universe nitong January 15 (oras sa Pilipinas).

Sa isang pre-recorded video, makikitang excited at looking forward na si El Salvador President Nayib Bukele para sa 72nd edition ng international pageant.

Sey ni Pangulong Bukele, “I am grateful and honored to announce that El Salvador would be the host country of the next Miss Universe pageant at the end of this year.”

Ipinagmamalaki pa ng El Salvador president na may maraming magagandang lugar sa kanilang bansa.

Chika niya, “El Salvador is a country that is full of beauty.

“We have the best surfing beaches in the world, magnificent volcanoes, exquisite coffee, and we now have become the safest country in Latin America.”

Ani pa niya, “El Salvador is changing and we want you to come and see it for yourselves. See you soon.”

Magugunitang ginanap ang 71st Miss Universe Pageant sa New Orleans sa Amerika.

Ang kinoronahang bagong Miss Universe ay ang pambato ng USA na si R’Bonney Gabriel na may lahi ring Pilipino.

Dinaig ni Miss USAang 82 iba pang kalahok upang tanggapin ang titulo mula kay 2021 Miss Universe Harnaaz Sandhu mula India.

Hinirang naman bilang first runner-up si Miss Venezuela Amanda Dudamel, habang second runner-up si Miss Dominican Republic Andreina Fournier.

Ang pambato naman ng Pilipinas na si Celeste Cortesi ay hindi na umabot sa Top 16.

Related chika:

Boy Abunda totoong kinuhang host sa 71st Miss Universe pageant pero bakit nga ba hindi natuloy?

Read more...