Darryl Yap: Medyo unfair sa fans ng KathNiel na maipasa agad sa DonBelle yung tag na Phenomenal Loveteam

Darryl Yap: Medyo unfair sa fans ng KathNiel na maipasa agad sa DonBelle yung tag na Phenomenal Loveteam

Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darryl Yap, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

MATAPANG na naglabas ng saloobin ang kontrobersyal at Box-Office director na si Darryl Yap tungkol sa pagtawag ng Phenomenal Loveteam sa tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Para kay Direk Darryl, parang hindi raw tamang bansagan agad ng Phenomenal Loveteam ang DonBelle dahil hindi pa nila naaabot ang level ng tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa kanyang Facebook page, ipinaliwanag ng “Maid In Malacañang” director kung bakit niya ito nasabi pero ipinagdiinan niya na obserbasyon niya lamang ito.

Wala rin daw siyang intensiyon na maliitin ang mga na-achieve nina Donny at Belle sa kanilang showbiz career.

“Matapos kong mabasa at mapag-aralan ang research ng Philippine Box Office, narealize ko lang na medyo unfair sa fans ng #KathNiel na maipasa agad sa DonBelle (Donnie Pangilinan and Belle) yung tag na ‘Phenomenal’ love team.


“Hindi sa minamasama o minamaliit ko ang accomplishment ng bagong loveteam, pero sa tingin ko pinaghirapan talaga ni Kathryn at Daniel ang bansag na iyon, na laging nagrereflect sa kita ng kanilang pelikula at pagtanggap ng tao,” sabi ng direktor.

Pagpapatuloy pa niya, “Observation ko lang ito, wag sana masamain…
Donnie is really a very promising actor— pero wag sana madaliin…
kasi for me, the Philippines’ Ultimate and Most Phenomenal is KathNiel pa rin.

“Haaay. Kung Minsan talaga…” hirit pa niya.

Maraming sumang-ayon kay Direk pero as expected meron ding nam-bash sa kanyang mga tagasuporta ng Kapamilya loveteam na DonBelle.

“You said it loud & clear, direk.  Imagine, KN was tagged as Phenomenal Stars after THOU pa 7 years old na LT nila despite their huge achievements & contributions sa showbiz & film industry from 2011. Parang unfair naman talaga. That’s where we’re coming from not just triggered kase ayaw namin malamangan.”

“Sana ganyan ka din kumilatis at mag research pagdating sa presidente mo.”

“BTW it’s a hard earned title, NEW GEN phenomenal loveteam, dumaan sa pandemya, network shutdown and was welcomed by the bashers on their first series team-up but they managed to rise, broke records and one of the reasons why abs cbn has managed to stay still despite of the denial of franchise renewal. At higit sa lahat may PANININDIGAN po kaya they’ve captured a lot of casual viewers’ hearts mapa-bata man yan, youth o matanda. So please have a nice day ahead of you!”

“Baka naman balak pagsabungin ang fans ng Kathniel at Donbell para mabuhay ng konti ang showbiz industry.”

“Naging kilala lang naman ang donbelle dahil sa HE’S INTO HER adaptation na palpak hahaahahahahahaa Daming nadisappoint cringe pa ibang scene huhu my imagination has destroyed.”

“EDIT: huy donbelle fans, don’t be triggered totoo naman kasing palpak ang adaptation ng HE’S INTO HER kung nabasa nyo lang ang original Wattpad story. literal na name lang ang inadapt hahaha.”

“True direk. WALA PA SA KALINGKINGAN ANG MGA NAGAWA NG BAGONG LOVETEAM…MALAYO PA ANG LALAKBAYIN PARA MARATING ANG KATHNIEL…I love Belle Mariano.”

“Marami pang kakainin na bigas ang Donbelle. Phenomenal!? Nah! Kahit Jadine at Lizquen di pa nila napantayan.”

DonBelle binansagang New Gen Phenomenal Love Team, susunod sa yapak ng KathNiel

Dingdong, Piolo nag-tie bilang best actor sa 2022 TAG Awards Chicago; Juancho itinanghal na best supporting actor

SB19 todo pasalamat sa A’TINs: Sila ang susi sa tagumpay namin!

Read more...