Kanye West may bagong asawa, pinakasalan na ang non-showbiz na si Bianca Censori?

Kanye West may bagong asawa, pinakasalan na ang non-showbiz na si Bianca Censori?

PHOTO: AFP/Jean-Baptiste Lacroix, LinkedIn/Bianca Censori

MAY kumakalat na tsismis sa social media na may bagong asawa na ang American Rapper na si Kanye West o kilala na bilang “Ye.”

At ayon pa sa balita ay ikinasal sa isang private ceremony ang rapper kay Bianca Censori.

Para sa kaalaman ng marami, si Bianca ang head architect ng fashion brand ng rapper na “Yeezy.”

May mga ulat pa nga na hindi pa ito mismong legal kahit ikinasal na sila dahil hindi pa nagfa-file ang dalawa ng kanilang marriage certificate.

Ayon sa isang anonymous source ng American tabloid news website na TMZ, spotted sina Ye at Bianca na dumating sa isang hotel sa Beverly Hills sa Amerika habang suot ang kanilang wedding ring.

Ayon naman sa British tabloid newspaper and website na Daily Mail, nagtungo sa isang luxury resort sa Utah ang dalawa para doon mag-honeymoon.

Noong Disyembre lamang ay tila nagbigay na ng clue ang rapper tungkol sa kanyang bagong relasyon.

Sa pamamagitan ng social media na ngayon ay burado na, nag-post siya ng kanyang bagong kanta na may titulong “Censori Overload” na umano’y apelyido ng kanyang bagong misis.

Matatandaan noong Marso ng nakaraang taon ay opisyal nang inanunsyo ni Ye at ng kanyang ex-wife na reality TV star na si Kim Kardashian ang kanilang paghihiwalay.

Taong 2014 sila ikinasal at may apat silang anak na sina North, Saint, Chicago at Psalm.

Related chika:

Pagbabalik ng halos 300 Chinese vessels sa West Philippine Sea, wake up call sa Pilipinas – Lacson

Read more...