MALAPIT na malapit na ang inaabangan ng pageant fans!
Malalaman na kasi kung kanino ipapasa ng reigning Miss Universe na si Harnaaz Sandhu ang kanyang titulo.
Gaganapin ang coronation night sa New Orleans sa Amerika ngayong January 15 (oras sa Pilipinas).
Sa tingin niyo mga ka-BANDERA, sino kaya ang susunod na magrereyna?
Ang ilang pageant watchers naman naglabas na ng kanilang “final hot picks.”
Sa listahan ng Missosology, nasa Top 1 ang pambato ng Venezuela na si Amanda Dudamel, habang nasa number two ang representative ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.
Ang iba pang bumubuo ng kanilang Top 5 ay ang Curaçao, Dominican Republic, at Puerto Rico.
Narito ang kumpletong Top 20 ng Missosology:
1. Venezuela – Amanda Dudamel
2. Philippines – Celeste Cortesi
3. Curaçao – Gabriëla dos Santos
4. Dominican Republic – Andreína Martínez
5. Puerto Rico – Ashley Cariño
6. USA – R’bonney Gabriel
7. Colombia – María Fernanda Aristizábal
8. Thailand – Anna Sueangam-iam
9. Jamaica – Toshami Calvin
10. Mexico – Irma Miranda
11. Aruba – Kiara Arends
12. Italy – Virginia Stablum
13. Germany – Soraya Kohlmann
14. South Africa – Ndavi Nokeri
15. Peru – Alessia Rovegno
16. Bahrain – Evlin Khalifa
17. Vietnam – Nguyễn Thị Ngọc Châu
18. Mauritius – Alexandrine Belle-Étoile
19. Portugal – Telma Madeira
20. France – Floriane Bascou
Nangunguna rin sa listahan ng Sash Factor ang Venezuela, kasunod niyan ang Colombia at pumangatlo ang Pilipinas.
Ang mga pasok sa kanilang Top 5 ay ang Dominican Republic at Puerto Rico.
Heto ang nilabas nilang Miss Universe 2022 Final SashPick:
1. Venezuela
2. Colombia
3. Philippines
4. Dominican Rep
5. Puerto Rico
6. South Africa
7. Thailand
8. USA
9. Peru
10. Curacao
11. Vietnam
12. Jamaica
13. Mexico
14. Italy
15. India
16. Bahrain
17. Cambodia
18. Aruba
19. Panama
20. Brazil
21. Mauritius
22. Spain
23. France
24. Ecuador
25. Guatemala
Number one din para sa Pageantology si Miss Venezuela, habang nasa Top 9 ng kanilang listahan ang pambato natin na si Celeste Cortesi.
Ayon sa kanilang Instagram post, napili nila ang Venezuela dahil sa tingin nila ay nasa kanya ang personalidad na hinahanap ng Miss Universe organization.
“Our winner for Miss Universe 2022 is none other than Venezuela, she came with a plan, she came prepared and her execution was flawless. She is relatable has the personality of someone anyone would like and embodies what the org should be looking for,” sey ng pageant watcher sa isang Instagram post.
Narito ang final prediction ng nasabing pageant watcher:
- Winner: Venezuela
- 1st runner-up: Puerto Rico
- 2nd runner-up: Dominican republic
- Top 5: Jamaica and Colombia
6. Thailand
7. USA
8. Curacao
9. Philippines
10. Mexico
11. South Africa
12. Brazil
13. India
14. Trinidad & Tobago
15. Great Britain
16. Vietnam
Paalala ng Pageantology na “prediction” o hula lamang nila ang mga nilagay nila sa listahan na sa tingin nila ay magwawagi.
“Once again, this was a super difficult selection since there are many great delegates who would make great finalists, but all in all, we are not the judges, they will see stuff we don’t so we wish all of the ladies competing tomorrow night the best of luck,” saad sa isang pahayag.
Related chika: