Pinay skin expert Olivia Quido-Co bilang hurado ng 71st Miss Universe: I’m gonna be a fair judge, I will look beyond the sash

Pinay Skin expert Olivio Quido-co bilang hurado ng 71st Miss Universe: I’m gonna be a fair judge, I will look beyond the sash

NAG-VIRAL ang Darna costume na sinuot ni Miss Philippines Celeste Cortesi bilang National Costume at sabi raw ng mga Pinoy na nakasaksi ay, “Ang ganda. Ang sexy and toned body. Sana nag-pose din siya ala- Darna na nakataas kamay.”

Kuwento ito ng kaibigan naming fanatic na sadyang dumayo pa ng New Orleans, Louisiana, USA para personal na mapanood mamayang gabi (US time) ang Miss Universe 2022 coronation night na mapapanood naman dito sa Pilipinas bukas, Enero 15.

Sayang nga lang at hindi personal na nasaksihan ng isa sa judge na si Ms. Olivia Quido-Co, CEO at Founder ng “O Skin Med Spa” chain sa California, USA nang rumampa si Miss Philippines Celeste bilang si Darna dahil pagkatapos pala ng swimsuit at evening gown ay umalis na ito.

Pero nabalitaan naman daw ito ni Ms. Olivia na naka-Darna costume si Celeste pero wala siyang pahayag pa dahil pinagbawalan silang magbigay ng komento or tanungin tungkol sa mga kandidata.

Kaya naman ingat na ingat siyang magkuwento sa nakaraang zoom interview kasama ang ilang taga-media para ibalita na isa siya sa mga hurado ng 71st edition ng Miss Universe.

Hindi na bago ang pangalan ni Ms. Olivia Quido-Co sa Miss Universe beauty pageant dahil ika-apat na taon na niya ngayong 2022 bilang skin care partner para sa 86 candidates, ang kanyang “O Skin Med Spa” at ang ipinagmamalaki niyang “24 Karat” skincare routine para maging fresh pagkagising.

Inamin ni Ms. Olivia na nu’ng malaman niyang isa na siya sa hurado ay talagang tuwang-tuwa siya dahil sa tatlong taong partnership nila ng Miss Universe ay parating natatanong siya kung part ba siya ng selection committee, pero lagi niyang sagot ay, “how I wish” at sinong mag-aakala nga naman na sa muli niyang pag-renew ng partnership ay kinuha na siyang hurado ng bagong may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakapong Jakrajutatip, CEO ng JKN Global Group.

Nanatiling si Paula Shughart pa rin ang Presidente ng nasabing organisasyon.

“Matagal ko na siyang alam pero ganu’n ko siya itinago. I’m so excited to be part of the Miss Universe selection committee. We’re here in New Orleans and The Miss Universe fever is for real,” bungad ni Ms. O sa zoom mediacon.

Ang makakasama ni Ms. O bilang hurado ay sina American rapper Big Freedia, American radio at TV host Myrka Dellanos, Miss Universe 2010 Ximena Navarrete, Roku Vice President of Growth Marketing at Merchandising Sweta Panel, Miss Universe 1998 Wendy Fitzwilliam, sports journalist na si Emily Austin, Miss USA 2015 Olivia Jordan, at ImpactWayv Chief Marketing Officer Kathleen Ventrella.

Nabanggit ding nakilala na niya ng personal si Anne at inimbitahan siya sa Miss Universe Gala Night sa Thailand at nangyari ito noong nakaraang taon.

“Anne invited me to attend the Miss Universe Gala Night in Thailand. Super VIP ang treatment niya sa amin. She’s super gracious and super generous. Tapos she has a bubbly personality kaya nagkasundo kami,” masayang kuwento ni Ms. O.

Dagdag pa, “then she called me. She invited me to New Orleans for a city tour with her close friends. Then we went to her room and chatted for a while. We were holding hands while walking all the time. I really had a great time with her. She also invited me to go to New York with her. Isipin na gusto niya tayong kasama.”

Malaki ang pagbabago ngayong 2022 kay Ms. Olivia dahil kung dati ay nakaka-tsikahan niya ang mga kandidata bilang skin care guru ay hindi na ngayon dahil pinagbawalan silang mga hurado.

“This time, I cannot talk to the delegates. I haven’t seen them. Pati national directors hindi ako puwedeng lapitan or kumustahin. Ganun ka-strict. So ngayon bawal ako mag-hi sa kanila or tumingin,” pagtatapat ni Ms O.

Sabi pa, “whoever the winners are, we will spend time with them sabi ni Anne. We will walk in Manhattan with the new beauty queens.”

Pero sa nakaraang preliminary activities ay siniguro ni Ms. O na lahat ng kandidata ay well taken care of dahil kasama naman niya ang mga staff niya sa “O Skin Med Spa.”

At kung dati-rati ay gumagastos siya sa mga isusuot niyang gown sa nakaraang tatlong taon ng kumpetisyon ay iba na ngayon dahil maraming nago-offer na sponsoran siya.

“Marami nag o-offer to sponsor my gown from the Latin American countries but of course Pilipino ang designer ko. Pero secret muna!” saad nito.

Samantala, magkasunod na taong Filipina ang napiling isa sa hurado para sa Miss Universe, si Marian Rivera-Dantes noong 2021 at ngayong 2022 ay si Ms. Olivia.

Pero sa kasaysayan ng Miss Universe pageant ay ika-labing isa na si Ms. O na Filipina na naging hurado.

Nauna na sina Diplomat Carlos P. Romulo (1974), fashion designer Josie Cruz Natori (1989), ang mang-aawit na si Kuh Ledesma, (1991), business tycoon at dating chairman of the board ng Manila Bulletin Don Emilio T. Yap (1994), Multiple award winning actress Lea Salonga (2011), boxing champ at dating senador na si Manny Pacquiao (2015), Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach; Filipino-French fashion designer Monique Lhuillier at businessman at politician na si Chavit Singson (LCS) with Party-list representative Richelle Singson-Michael (2018).

Sa panayam naman ni Ms. O kay TV Patrol Dyan Castillejo na umere nitong Biyernes ng gabi ay 50-50 ang pagbabaseshan nito na malapit sa puso niya ang kandidatang may advocacy.

Diin ni Ms. O, “speaking for myself, I’m gonna be a fair judge. I will look beyond the sash. Titignan natin yung personality kung magaling ba magsalita, magaling ba ang stage presence, ang communication skills, okay din bang magsalita and how she carries herself. So again, I’ll be a fair judge.”

Paliwanag naman ni MJ Felipe na kasama ni Ms. O sa New Orleans, “Una ina-identify ko muna ‘yung kausap niya if you’re a national director or a fan. Kami ‘yung nagsasabi sa national directors, I’m sorry she cannot engage because she’s a judge.”

Sabi pa ni Ms. O, “meron ditong mga fun facts, personal accomplishments nila. We have the same questions here but different answers so sinusulat namind dito yung mga notes namin about the girls. Things we need to highlight about them so bawal ito mawala. Malaking trouble raw kapag nawala ko ito (sabay pakita ng malaking booklet).”

Related chika:

Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda

Read more...