NAKATAKDANG ikasa sa ilang lugar sa Maynila ang pagpapatupad ng “liquor ban” o pagbabawal ng pag-inom at pagbenta ng mga alcoholic beverages sa gitna ng pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño.
Ayon sa Executive Order (EO) No. 3 na pinirmahan ni Manila Mayor Honey Lacuña nitong January 12, ang nasabing ban ay para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng lungsod habang ginugunita ang taunang piyesta.
Ang dalawang araw na liquor ban ay mangyayari sa January 14 hanggang 15.
Base sa kautusan, sakop nito ang mga barangay na nasa ilalim ng “territorial jurisdiction” ng Santo Niño de Tondo Parish at Santo Niño Parish Pandacan.
“In order to promote peace and order in the city during the celebration of the Feast of Sto.Niño, it is necessary to prohibit the sale of liquor and other alcoholic beverages within the territorial jurisdiction covered by Sto. Niño de Tondo Parish at Sto. Niño Parish Pandacan,” saad sa EO.
Sa isang text message, kinumpirma ng lokal na pamahalaan na magkakaroon din ng liquor ban sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
“Similar to the liquor ban for the celebration of the [Feast] of the Black Nazarene, the EO covers the barangays surrounding the churches po ng fiesta,” sey ng Manila Public Information Office sa INQUIRER.net.
Matatandaang mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic ay pansamantalang ipinagbawal ni dating Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng physical activities sa mga nasabing piyesta.
Kabilang na riyan ang religious processions, street parties, parades, street games, at iba pang kalse ng mass gatherings.
Iniiwasan kasi noon ng LGU ang muling pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.
Read more:
Coco muling nakilahok Pista Ng Itim na Nazareno, isinabay na ang taping para sa ‘Batang Quiapo’