EXCITING news para sa “Blinks” o fans ng K-Pop girl group na Blackpink!
Bagong taon na bagong taon kasi ay gumawa na kaagad sila ng kasaysayan sa Amerika.
Ang Blackpink kasi ang kauna-unahang K-Pop artist na maghe-headline sa music and arts festival na “Coachella” ngayong taon.
Sa isang social media post, ni-reveal na ang star studded lineup para sa mangyayaring musical event sa April 14 hanggang 16 at April 21 hanggang 23 sa California, USA.
Base sa post, nakatakdang magh-perform ang Korean girl group sa April 15 at 22.
Ugh was stuck in drafts 🫠
Register now for access to passes at https://t.co/qujCsdlTip. Presale begins Friday, 1/13 at 11am PT. Very limited Weekend 1 passes remain. For your best chance at passes, look to Weekend 2. pic.twitter.com/5zMQ4dJZHq
— Coachella (@coachella) January 10, 2023
At bukod sa Blackpink, isa rin sa mga mangunguna sa show ay sina Puerto Rican rapper Bad Bunny, at American singer-songwriter Frank Ocean.
Nakatakda ring mag-perform ang ilang bigating artists gaya nina Calvin Harris, Becky G, Kid LAROI, Charli XCX, Gorillaz, Björk, Rosalía, Willow, at Jackson Wang.
Matatandaang tatlong taon natigil ang pagdaraos ng “Coachella” dahil sa COVID-19 pandemic at bumalik lamang ito nitong 2022.
Samantala, Ang “Born Pink” concert ng Blackpink ay mangyayari sa March 25 at 26 sa susunod na taon sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ang kanilang world tour ay para i-promote ang kanilang latest album.
Related chika:
Kiray pinaiyak ang kapatid, sinorpresa ng VIP Blackpink concert ticket