MISIS ni SIR CHIEF masyado nang pakialamera, mga fans nabwisit

GALIT na galit din si Richard Yap o mas kilala bilang si Sir Chief sa seryeng Be Careful With My Heart sa mga politikong nasasangkot ngayon sa pork barrel scam.

Ngayon lang daw kasi talaga bumandera nang bonggang-bongga ang ganitong uri ng katiwalian sa pamahaan. Isa rin si Sir Chief sa mga artistang nagbabayad ng malaking halaga ng buwis dahil nga sa kaliwa’t kanan niyang trabaho sa showbiz.

Kaya talagang meron siyang karapatang magsalita tungkol sa isyu ng corruption sa gobyerno. “Of course I’m just angry, tayong lahat nagbabayad ng tax tapos sila kung saan-saan lang nila ginagamit di ba?

So I think all the Filipinos have the right to get angry and to get mad on all these politicians who are wasting our money because the Philippines is a rich country and we have all the natural resources.

“We could see  they are spending billions di ba every year, we could put all that to good deeds like by putting infrastructures, health care, education, they could all put it into that instead of putting it in their pocket,” ayon kay Richard sa isang interview.

Nagsalita rin si Sir Chief sa mga tsismis tungkol sa kanyang asawa, may chika kasi na overprotective na raw ang kanyang asawa kaya maraming nabubwisit dito.

Ipinagtanggol naman ng aktor ang kanyang misis, “You can’t control what other people will think pero alam naman ng mga tao sa industriya na hindi totoo ‘yun.”

Dagdag pa niya, “Actually hindi na siya sumasama sa akin sa taping so ano lang pag may occasion lang, pag may special event na lang.”

Hirit pa ni Richard ang asawa niya talaga ang nag-convince sa kanya para pasukin ang pag-aartista, “Well kung hindi dahil sa kanya wala ako dito kasi tinanong ko siya talaga  kung okay lang  na pumasok ako sa show business and she said why not.”

Natanong din si Sir Chief kung may posibilidad na pasukin din niya ang politika ngayong sikat na sikat na siya, “Actually wala pa akong iniisip na ganu’n kasi iba ‘yun, eh.

I have no time for that. I guess I can take the job as an actor but as a public figure hindi na muna kasi medyo private talaga akong tao even before.”

( Photo credit to Google )

Read more...