SHARON: Hindi kasi ako sanay na binabastos ako!


Sa katatapos na presscon ng seryeng Madam Chairman ng TV5 ay natanong si Sharon Cuneta kung talagang palapatol siya sa mga basher nila ni KC Concepcion sa Twitter dahil parati siyang headline kapag sumagot siya.

“You know what, when there’s an issue, maski naman magmadre ako kung gusto kang siraan, makakahanap pa rin ng ikakapanira mo until they can fabricate stories whatever.

“You don’t have to explain further kaya I don’t answer pag ganu’n. In the beginning, nagulat ako because I wasn’t raised like that. Sanay ako na, kapag may issue, i-confront mo ako.

“Hindi ako sanay sa binabastos. Hindi ako nabuhay ng gano’n. I’m sorry, that’s my reality. I think lahat naman tayo hindi nabuhay nang binabastos tayo, di ba? So, na-culture shock ako nu’ng umpisa.

“Ngayon, I’m used to it. I just ignore, because I want to focus more on the people that matter, the people who follow you because they want to be updated on your work,” sabi pa ni Mega.

Bukas ang iba pang mga naging pahayag ni Sharon bilang tugon sa mga maiinit na issue sa kanya at sa kanyang pamilya.

( Photo credit to Google )

Read more...