Bb. Pilipinas ‘kinuyog’ ng mga galit na netizens, inakusahan ng diskriminasyon…anyare?

Bb. Pilipinas ‘kinuyog’ ng mga galit na netizens, inakusahan ng diskriminasyon…anyare?

PHOTO: Facebook/Binibining Pilipinas

TILA pinagtulungan ng mga galit na netizens ang social media ng Binibining Pilipinas dahil sa umano’y diskriminasyon laban sa mga taong may “human immunodeficiency virus (HIV).”

Kamakailan lang ay inanunsyo ng Binibining Pilipinas Organization na tumatanggap na ulit sila ng mga bagong aplikante para sa susunod na batch ng mga kandidata.

Bukod kasi sa mga requirement na tulad ng “good moral character” at hindi pa kasal ay may nilista din silang mga health conditions na hindi nila pinapayagang makasali.

Nakasaad sa bahagi ng application form, “I am in good health, psychological and physical health, and that I have never been sick or have been hospitalized for Cancer, Epilepsy, HIV, AIDS, any heart ailment, a disease involving the gastrointestinal system or any other disease that will impair my mental, psychological and/or ph health or condition.”

Dahil diyan ay makikita ang mga pambabatikos ng maraming netizens sa social media at sinabi pa nila na isa itong uri ng diskriminasyon para sa mga taong may sakit na nais maging beauty queen.

Tulad ng nakasaad sa isang Twitter post na sinabi pang maraming naging kandidata ng nasabing institusyon ang advocate ng HIV.

“Binibining Pilipinas discriminates against potential candidates who has #HIV? There have been so many candidates who have raised the issue of HIV-related stigma & discrimination yet the institution itself discriminates people who live with the virus? Hmmm,” tweet ng netizen.

May netizen pang napamura sa galit at binanggit pa ang dating Miss Universe queens na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

“Lol fuck Bb. Pilipinas for discriminating against PLHIV. Mahiya nga kayo kina Pia at Catriona (and many, many more queens) na andaming ginagawa para sa HIV awareness advocacy,” sey sa post.

Sang-ayon din ang isang nag-tweet at kinuwestiyon pa ang Binibining Pilipinas.

Lahad ng isang Twitter user, “Hmm…previous BBP winners who went on to represent the country in Miss Universe advocated for HIV awareness. Bakit may discrimination sa qualifications saka anong kinalaman ng HIV status ng isang tao sa pagsali sa beauty pageant? Practice what you preach.”

As of this writing ay wala pang inilalabas na pahayag ang pageant organization tungkol sa isyu.

Bukas naman ang BANDERA sakaling may paglilinaw sila tungkol dito.

Related chika:

Bb. Pilipinas naghahanap na ng mga bagong kandidata para maging reyna

Read more...