Marc Logan ikinasal na sa longtime partner after 18 years, bigating celebs kinuhang ninong at ninang

Marc Logan ikinasal na sa longtime partner after 18 years, bigating celebs kinuhang ninong at ninang

PHOTO: Instagram/@iamkarendavila

IKINASAL na ang Kapamilya broadcaster na si Marc Logan sa  kanyang longtime partner na si Lois Diego makalipas ang halos dalawang dekadang pagsasama.

Ang good news ay ibinandera mismo ng kapwa-brodkaster na si Karen Davila sa social media.

Base sa Instagram post ni Karen, ginanap ang wedding ng dalawa sa St. James the Great Parish sa Ayala, Alabang.

Ayon pa sa journalist, kahit siya ay bumilib sa tibay ng relasyon ng mag-asawa na nagsasama na sa iisang bubong mula pa noong 2003.

Caption niya sa IG, “MARRIED! FINALLY, AFTER 18 YEARS (bouquet emojis)

“ABSCBN’s Marc Logan & Lois Diego have considered themselves married since 2003 but have formally tied the knot today (bouquet emoji) Say hello to Mr & Mrs Ponti (waving hand emoji)”

Dagdag pa niya, “What a beautiful testimony of love tested by time & a recommitment done before God!”

“To Marc & Lois, may this day seem like the first of forever! Thank you for letting us celebrate with you (red heart emoji),” aniya.

Makikita pa sa mga pictures ni Karen na present sa wedding ang ilang bigating personalidad at malalaking pangalan sa pulitika.

Kinumpirma naman ng media personality na si Korina Sanchez na isa siya sa mga naging ninang sa nasabing kasal.

Sa Instagram ay pinasalamatan niya ang mag-asawang Ponti at binanggit kung sino-sino ang mga naging ninang sa kasal.

Post ni Korina, “Congrats to Marc and Lois Logan. (ring emoji) 18 years of waiting now begins a lifetime of bliss!

“Happy to be co-ninang with Sen. Grace Poe, Mayor Joy Belmonte, colleague Ces Drilon, Sen. Cynthia Villar, ABSCBN Boss Cory Vidanes, Usec Niña Taduran and colleagues Doris Bigornia and Karen Davila. Ayan. Di lang kami magkaibigan. Kumadre ko pa sha ha (random emojis)”

Bukod sa mga nabanggit, nabalitaan din namin na ang mga naging ninong naman ay sina Noli de Castro, Jake Maderazo, Ted Failon, DSWD Secretary Erwin Tulfo, DILG Secretary Benhur Abalos Jr., Congressman Edward Hagedorn, Congressman at former PBA player Franz Pumaren, GMA News anchor Mike Enriquez, at ABS-CBN executive Ernie Lopez.

Sina Marc at Lois ay mayroon nang anak na sina Coleen at Marc.

Matatandaan noong dekada nobenta nang nag-umpisang makilala si Marc dahil sa nakakatuwang segment niya sa daily newscast na “TV Patrol.”

Related chika:

Angela Morena hindi lang magaling sa hubaran at churvahan, may ibubuga rin sa aktingan

Read more...