ABISO para sa commuters, lalong-lalo na sa mga sumasakay ng tren.
Posibleng tumaas ang pamasahe sa LRT-1 at LRT-2 matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang resolusyon mula sa Light Rail Transit Authority (LRTA).
Ang pamasahe ay nagbabadyang madagdagan ng P2.29, habang ang distance fare ay tataas ng 21 sentimo.
Ibig sabihin, magiging P13.29 na ang pamasahe mula sa P11, at ang kada kilometro ay tataas na ng P1.21 mula sa kasalukuyang P1.
Ito ang kauna-unahang beses na magtataas ng pamasahe ang LRT mula pa noong 2015.
Pero paglilinaw naman ng LTFRB sa INQUIRER.NET na bagamat inaprubahan na nila ang request ng LRTA, hindi pa magsisimula ang implementasyon ng dagdag-pasahe.
As of this writing, ang LTFRB pa lang ang pumapayag sa nasabing resolusyon at kasalukuyan pang inaantay ang approval ng iba pang board members.
Kabilang na riyan ang Department of Transportation (DOTr), Department of Finance, Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority, at Department of Public Works and Highways.
Matatandaang noong nakaraang taon ay tiniyak ng DOTr sa publiko na hindi nito pagbibigyan ang kahilingan ng private sectors ng mga riles na taasan ang pamasahe dahil marami pa rin ang apektado ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Read more: