CARLA nagyabang sa pagpunta sa ABS, binugbog ng panlalait


Sobrang na-excite si Carla Abellana sa warm reception sa kanya ng mga tao sa ABS-CBN kaya naman she decided to post a message sa kanyang Intagram account.

“Ako po ang Myx Celebrity VJ sa buong buwan ng Oktubre. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang reaksyon ng mga tao kapag nakikita nila akong naglalakad sa lugar na to.

Nakakatuwa. Lumalaki talaga mga mata nila at halos hindi na ako makauwi sa dami ng nagpapa-picture. “Salamat, Lord at natutuwa din po sila sa akin.

Nasa iisang industriya lang po kami kaya sana patuloy lang po naming pasayahin ang isa’t isa,” say ni Carla.Simple lang ang mensahe niya but it was taken to mean na nagyayabang siya.

Merong mga tao sa social media ang nagtaray kaagad kay Carla by saying, “Nagbubuhat ng sariling bangko to….hmmmmppp. Yabang nyo po sa totoo lang…. #justsaying lol”.

One guy wailed, “Lumalaki talaga mga mata nila pag nakikita sya at di na makauwi sa dami ng nagpapapicture sa kanya…iclaim talaga ni carla yan ha at iannounce pa to the world.

It should really came from her ha. I want the power of healing for carla.” “Natawa naman ako dito Ms.DJ. Buti na lang si MR (Marian Rivera) di na nia pinaglandakan paano sia kinagiliwan sa ABS…mahirap pala masyadong matalino nawawala sa radar! lol,” pang-aasar pa ng isang guy.

Wala  kaming nakikitang masama sa message na ipinost ni Carla. Hindi rin siya nagmukhang mayabang. Ang detractors talaga, kahit wala namang dapat ika-react, super react pa rin.

Anyway, extended ang My Husband’s Lover ng one week kaya naman natuwa kami. Papaganda na nang papaganda ang mga eksena at talagang kaabang-abang lahat. Sayang nga lang kasi magtatapos na ang teleseryeng ito.

( Photo credit to Google )

Read more...