Xian Gaza sinupalpal ng ex-dyowa: Hindi ka lang scammer, oportunista ka pa!

Xian Gaza sinupalpal ng ex-dyowa: Hindi ka lang scammer, oportunista ka pa!

Irish Tan at Xian Gaza

“SIGURO may sira ang ulo ko, hindi ko alam kung bakit nagtiwala ako sa ‘yo!” Yan ang matapang na pahayag ng content creator na si Irish Tan laban sa ex-dyowa niyang si Xian Gaza.

Sinagot ni Irish ang naging pasabog na rebelasyon ni Xian tungkol sa panggagamit sa kanya noong magkarelasyon pa sila.

Sa panayam ng YouTuber at social media personality na si Krissy Aquino, nabanggit nga ni Xian ang tungkol sa pagsasama nila ni Irish bilang magdyowa ilang taon na ang nakararaan.

Hirit ni Irish sa kanyang Facebook post, “Inuto-uto mo ako, wala naman akong ibang mali dito. Ang mali ko lang ay nagmahal ako, naniwala ako sayo.

“Siguro may sira yung ulo ko hindi ko alam kung bakit nagtiwala ako sa yo,” pahayag ni Irish.


Pagpapatuloy pa niya, “Nanggaling na sa bibig mo, ginamit mo ako. HIndi ko maisip kung saan mo hinuhugot yung sinabi mong minahal mo ako.

“Unang-una walang pagmamahal na naganap dito galing na nga sa ‘yo, ‘ginamit mo lang ako,'” mariin pa niyang pahayag.

Bwelta pa ni Irish kay Xian, huwag na niyang paikut-ikutin ang mga tao dahil wala naman talagang  pagmamahalan na nangyari sa pagitan nila noon.

“Hindi ba sabi mo pa nga dati one day kapag nakaangat-angat ka at nakatayo ka sa sarili mong paa, eh iiwanan mo ako. So asan ang pagmamahal doon?

“Nakakita ka lang ng opportunity na gamitin ako dahil mahal na mahal kita. Nag-take advantage ka dahil sa kabutihan at sa pagmamahal na pinapakita ko sa ’yo, ayun ‘yon. Walang pagmamahal doon,” lahad pa niya.

“Hindi ka lang scammer, oportunista ka! Tama yung sinasabi ng mga tao sayo,” ang diretsahan pang panunupalpal ni Irish kay Xian.

Nilinaw din ni Irish ang sinabi ni Xian tungkol sa mga ginagawa niya sa Malaysia kasama ang kanyang mga “clients.”

“Gusto ko lang linawin sa lahat na yung sinasabi niyang may client na ganyan yung ginagawa ko sa Malaysia.

“Come on, nasubaybayan niyo yung pagla-live ko sa BIGO halos gabi-gabi. Kilala tayo ng mga nakapaligid sa atin, sa lahat ng sinasabi mo about diyan sa imbentong kuwento mo na ginagawa ko rito sa Malaysia, may bumack-up ba sa ’yo na nakakakilala sa’ting dalawa, wala ‘di ba?

“Pero ako lahat ng sinasabi ko about sa ‘yo, lahat ‘yon may kayang bumack-up sa nakakakilala sa ating dalawa,” sabi pa ni Irish sa kanyang FB video.

Bukas ang BANDERA sa magiging sagot at reaksiyon ni Xian Gaza matapos magsalita si Irish.

Kathryn nagpadala rin ng ‘pampaswerte’ kay Rabiya: Kahit anong mangyari, proud kami sa ‘yo!

Bakit estofado, wafer sticks, rosaryo at ref ang regalo ni Dimples at ng Gold Squad sa 18th b-day ni Andrea?

Hugot ni Zoren kay Carmina: Huwag na huwag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa ‘yo

Read more...