Bb. Pilipinas naghahanap na ng mga bagong kandidata para maging reyna

Bb. Pilipinas naghahanap na ng mga bagong kandidata para maging reyna

PHOTO: Facebook/Binibining PIlipinas

NAGHAHANAP na ng mga bagong kandidata ang Binibining Pilipinas Organization para sa kanilang next batch na nakatakdang isalang sa ibaโ€™t ibang international pageant ngayong 2023.

Sa social media ay inanunsyo nila na ngayong buwan ng Enero lamang sila tatanggap ng mga bagong aplikante na nais maging parte ng kanilang organisasyon.

Caption sa socmed posts, โ€œ๐“๐ก๐ž ๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐ข๐ฌ ๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ง๐ž๐ฑ๐ญ ๐๐ข๐ง๐ข๐›๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ ๐๐ฎ๐ž๐ž๐ง๐ฌ! (sparkling emoji)

โ€œBinibining Pilipinas is looking for a new batch of empowered women.โ€

Wala pang detalye kung ano-ano ang requirements para makasali, pero ipinaskil na nila ang link kung saan pwedeng mag-apply.

Lahad sa caption, โ€œBe part of the ๐๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ ๐‹๐„๐†๐€๐‚๐˜ (crown emoji)

โ€œDownload the application form here: https://www.bbpilipinas.com

โ€œDeadline of submission is on January 31, 2023. Stay tuned for we will announce more details real soon.โ€

Libo-libong netizens na ang nag-react sa nasabing post.

Marami na rin ang nag-comment na kung saan ay pinagta-tag na nila ang kanilang mga beshies upang sumali.

Sa kasalukuyan, ang reigning queens ng Binibining Pilipinas ay sina Nicole Borromeo bilang Bb. Pilipinas International, Roberta Angela Tamondong bilang Bb. PIlipinas Grand International, Gabrielle Basiano bilang Bb. PIlipinas Intercontinental, Chelsea Fernandez bilang Bb. PIlipinas Globe, 1st runner-up naman si Nicole Budol, habang 2nd runner-up naman si Stacey Daniella Gabriel.

Related chika:

Papalit sa trono ni Miss Universe PH Beatrice Gomez kokoronahan sa April 30, 2022

Read more...