PAGASA: LPA inaasahang papasok sa bansa, patuloy na nagpapaulan

PAGASA: LPA inaasahang papasok sa bansa, patuloy na nagpapaulan

PHOTO: Instagram/Dost_pagasa

BUKOD sa northeast monsoon o hanging amihan, magpapa-ulan din sa malaking bahagi ng bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng Pilipinas.

Ayon pa sa press briefing ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong January 9, inaasahang papasok ng ating teritoryo ang nasabing sama ng panahon ano mang oras.

Sey ni Weather Specialist Obet Badrina, “Posibleng pumasok ng Philippine Area of Responsibility itong Low Pressure Area na ating binabantayan na sa ngayon nga maliit pa rin ho ang tsansa na ito ay maging bagyo.”

Patuloy pa niya, “Pero pumasok man o hindi, maging bagyo man o hindi itong low pressure area, inaasahan natin na patuloy itong magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao, kasama rin ang bahagi ng Palawan, partikular na ‘yung trough o extension nito na maaari ring umabot hanggang sa may bahagi ng Bicol Region.”

Nagbabala pa ang PAGASA na dahil sa mga pag-ulan ay posible pa ring maranasan ang mga pagbaha sa ilang lugar.

“Kaya asahan natin sa mga susunod na oras sa mga kababayan natin diyan sa Visayas, Mindanao, Palawan at Bicol area na posible pa rin pong magtuloy-tuloy ang mga pag-ulan kaya ibayong pag-iingat pa rin po lalo na sa mga biglang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na kung tuloy-tuloy po ang mga pag-ulan na nararanasan,” ani Badrina.

Bagamat magiging maaliwalas naman ang panahon sa Luzon ay posible pa rin ang mga mahihinang pag-ulan dahil sa hanging amihan.

“Samanatala, dito sa may bahagi ng Luzon ay walang masyadong kaulapan, posible lang ho ‘yung mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan dulot pa rin ng northeast monsoon o hanging amihan,” ayon sa PAGASA.

Ang good news ng weather bureau ay wala na silang nakikitang iba pang sama ng panahon na makakaapekto pa sa ating bansa.

Saad ng Weather Specialist, “Mapapansin ho natin, maliban po dito sa Low Pressure Area na ating binabantayan, wala na tayong iba pang nakikitang Low Pressure Area sa labas o loob man ng Philippine Area of Responsibility.”

Read more:

LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo, ‘gale warning’ nakataas sa malaking bahagi ng bansa

Read more...