Ice Seguerra, Liza Dino 10 years nang magkarelasyon: Hindi tayo perfect, pero palagi natin pinipili ang isa’t isa

Ice Seguerra, Liza Dino 10 years nang magkarelasyon: Hindi tayo perfect, pero palagi natin pinipili ang isa't isa

Ice Seguerra at Liza Dino

HASHTAG #LoveWins talaga ang relasyon ng celebrity couple na sina Ice Seguerra at Liza Diño na 10 taon nang magkarelasyon ngayon.

Sa pagdiriwang nila ni Liza ng kanilang anibersaryo bilang magdyowa na tumatagal na ngayon ng isang dekada, muling ibinandera ni Ice ang abot-langit na pagmamahal niya sa kanyang asawa.

Nagbahagi ang OPM icon at award-winning singer-songwriter sa kanyang Facebook account ng anniversary message niya para kay Liza kalakip ang mga sweet photos nila together.

“10 years! We started as dreamers. Sabi natin, hindi natin gagayahin yung mga ibang couples who let life get in the way of their relationship. We’d be different…


“But it happened. Life did get in our way. Ganoon siguro talaga. Kahit gaano natin pinigilan at nilabanan, it found its way sa ating dalawa,” simulang pagbabahagi ni Ice.

Inamin ng singer-songwriter at direktor na rin ngayon na hindi rin perfect ang relasyon nila ni Liza, “Habang tumatagal, we had different priorities. I became complacent, you overworked. Maraming samaan ng loob, tampuhan.

“Maraming pagkakataon na naisip na hanggang dito na lang ba talaga tayo. We had fights na ilang araw tayong hindi nagpapansinan, minsan umaabot nang linggo. Maraming beses na parang hindi na natin alam kung paano maaayos yung meron tayo.

“Hindi tayo perfect, love. Siguro kasi dahil tao tayo. May mga pangangailangan tayong minsan hindi naibibigay ng isa’t isa.

“Yes, hindi tayo perfect but if there’s one thing I love about us, kahit ano pa man yung pinagdadaanan natin, we never stopped fighting for us,” mensahe pa ni Ice.

Pagpapatuloy pa niya, “Kahit ano pa man yung mga pinagdaanan natin, lagi nating pinipili ang isa’t isa. Because love will never be enough, staying together is a daily decision of choosing each other over anything and everything else.

“So, on our 10th year of being together,  I just want to say thank you for always choosing me. Me, scars and all.

“Thank you for choosing to believe that I could be a better partner to you, thank you for appreciating the things I could do, and embracing me despite all my shortcomings.

“I choose you, and will always choose you every day. I will always choose us.

“I love you so much, Liza,” ang pagtatapos ni Ice Seguerra.

Cherry Pie, Edu inamin na ang relasyon sa madlang pipol

Heart sa may mga mental health issue: It’s OK not to be OK, normal lang na hindi ka perfect…

Maxene Magalona feel na feel ang pagiging nanay sa ‘Viral Scandal’: No parent is perfect, no child is perfect…

Read more...