HUMAHAKOT pa rin ng pagkilala sa iba’t-ibang bansa ang Filipina actress na si Dolly de Leon dahil sa kanyang pagganap sa international movie na “Triangle of Sadness.”
Sa pagkakataon na ito, napasama naman siya sa “longlist” ng Best Supporting Actress category para sa inaabangang 2023 British Academy of Film and Television Arts (BAFTA) Film Awards.
Ang ibig sabihin niyan ay isa siya sa sampung artists na kwalipikadong makapasok sa official nomination ng nasabing kategorya.
Ang announcement ng nominasyon ay nakatakdang mangyari sa January 19, habang ang mga mananalo ay malalaman sa February 19.
Narito ang kumpletong listahan ng BAFTA para sa “Best Supporting Actress” category:
-
Angela Bassett – “Black Panther: Wakanda Forever”
-
Hong Chau – “The Whale”
-
Kerry Condon – “The Banshees of Inisherin”
-
Jamie Lee Curtis – “Everything Everywhere All At Once”
-
Dolly De Leon – “Triangle of Sadness”
-
Lashana Lynch – “The Woman King”
-
Janelle Monáe – “Glass Onion: A Knives Out Mystery”
-
Carey Mulligan – “She Said”
-
Emma Thompson – “Roald Dahl’s Matilda The Musical”
-
Aimee Lou Wood – “Living”
Kamakailan lang ay nominado sa pagka-best supporting actress sa 80th Golden Globe Awards si Dolly.
Pero bago ‘yan, nagwagi ng “Best Supporting Performance” sa naganap na Los Angeles Film Critics Association Awards sa Amerika noong nakaraang buwan.
Ang lahat ng nakuha ni Dolly ay dahil sa magaling niyang pagganap sa “Triangle of Sadness.”
Isang toilet manager ang karakter ni Dolly bilang si “Abigail” sa luxury crew ship pero nung lumubog na ang barko at napadpad sila sa isla na walang tao kaya kinailangan niyang manghuli sa dagat para may pantawid gutom sila.
At dahil si Abigail lahat ang gumagawa ay nagsabi siyang siya ang kapitan bilang siya naman ang nakaka-delihensya ng kakainin nila.
Sa husay na ipinakita ni Dolly bilang si Abigail ay may posibilidad na ma-nominate siya sa Oscars 2023.
Related chika: