MAINGAY ngayon sa social media ang isang interview clip ng dating WWE superstar at Hollywood actor na si Dave Bautista o mas kilala bilang “Batista.”
Agaw-atensyon kasi sa madlang pipol ang ibinahaging sama ng loob ng aktor tungkol sa isang tattoo na kanyang pinatakpan.
Walang binanggit na pangalan si Batista, pero ang kanyang tinutukoy ay ‘yung tattoo niya dati sa kaliwang braso na team logo nila ng boxing legend na si Manny Pacquiao.
Chika niya sa American magazine na GQ, “It used to be a team logo. I was a part of a team of a person I considered a friend and someone I really looked up to.”
“And then, he later came out publicly with some anti-gay statements and turned out to be an extreme homophobe,” dagdag pa niya.
“And so, I had a huge issue with it. It’s a personal issue with me, my mom’s a lesbian and I just could no longer call him a friend. So, I had it covered up with this,” aniya.
@gq
Posibleng si Pacman ang pinatatamaan ni Batista dahil kung maaalala niyo pa noong 2016 habang tumatakbo sa pagka-senador ang boksingero ay nagkaroon siya ng pahayag tungkol sa same-sex marriage.
Sa isang panayam ni Manny, sinabi nga niya na hindi siya sang-ayon dito at kinumpara niya pa ang LGBTQ+ community sa mga hayop.
Sey niya noon sa isang TV interview, “Common sense lang, makakita ka ba ng any animals na lalake sa lalake o babae sa babae?”
“Mas mabuti pa ‘yung hayop, marunong kumikilala kung [lalake o babae], ‘di ba? Ngayon, kung lalake sa lalake o babae sa babae—mas masahol pa sa hayop ang tao,” saad pa ni Manny.
Maraming Pinoy celebrities ang nagalit kay Manny sa mga panahon na ‘yun at kabilang nga diyan si Batista na napamura pa.
Sinabi pa nga noon ni Batista na hindi matatanggap ng sikmura niya ang sinabi ni Pacman na mas masahol pa sa hayop ang mga miyembro ng third sex.
“My mom happens to be a lesbian so I don’t f–king take that sh-t. I dont think it’s funny,” ang sabi pa ni Batista sa nasabing interview.
Dagdag pa niya, “If anyone called my mother an animal I’d stick my foot in his ass.”
Dahil sa mga natanggap na pambabatikos ay kaagad namang humingi ng tawad si Pacman sa kayang naging pahayag.
Related chika:
‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!